Nakasandal ako pinakadingding ng aming classroom. Ilang minuto na lamang ay tiyak na darating na si Sir. Jandred at magpapa-quiz.
"Morie?" Isang araw ang lumipas simula nang mangyari ang lahat, kaya hindi pa rin madali para sa akin ang harapin si Flora dahil nahihiya ako.
"Hindi ka pa tapos mag-review?" Ngumiti ako at umiling sa kaniya.
"Hoy, ano ka ba Morie, huwag ka mahiya sa akin." Tumawa siya, napabuntong-hininga ako ng malalim.
"Flora? Pwede ba ako magkwento sa iyo?"
"Oo naman!" Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nangyari, wala siyang sinabi sa akin, hindi niya ako hinusgahan, sa halip ay mahigpit niya ako yinakap.
"Naiiyak tuloy ako." Mahina akong tumawa at pinunasan ang nangingilid na luha sa aking mga mata.
"Oh, andiyan na pala si Sir, good luck sa quiz natin." Ngumiti ako sa kaniya.
"Good Afternoon class!" Hindi ako naga-angat ng tingin, basta ay tumayo lamang din ako sa aking pagkakaupo at bumati.
"Since we have three hours for our subject, I'll gave the first hour for you to have a review." Natuwa ang aking mga kaklase, ganoon din naman ako.
"Morie, pa-share nga. Kulang ata itong lecture ko." Hinawakan ko naman ang aking notebook sa aming gitna para makita din niya ang mga nakasulat dito. Ilang sandali lamang ay umingay ang klase, ngunit hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin.
"Morie." Nag-angat ako ng tingin kay Flora.
"S-Si Sir. Dandreb oh!" Matagal akong napatitig kay Flora, ngunit ibinagsak ko lamang muli ang tingin ko sa aking notebook. Tiyak naman ako na ang Daddy niya ang ipinunta niya dito.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ni Flora nang kalabitin niya ako, sandali naman akong napatigil sa pagkuha ng pambayad sa aking wallet.
"Sa tingin ko ay ikaw ang sadya niya kanina. Aba! Simula pagpasok niya at paglabas ng classroom sa iyo nakatingin." Hindi ako kumibo, itinatatak ko sa aking isipan na hindi na dapat pa ako umasa. Mayroon na siyang minamahal ngayon, siguro ipagdarasal ko na lamang din na unti-unti ay mapatawad niya ako.
"Kuya, bayad po! Sa Sta.Cruz!" Pagkatapos niya iabot ang kaniyang bayad ay ganoon din ang aking ginawa.
"Saan 'to?"
"Zaragoza po, galing Sumacab."
"Anong Zaragoza? Huwag mo sabihin na maga-aksaya ka pa ng pamasahe kung doon ka pa magpapahatid tapos sasakay ka ulit papunta sa restaurant." Tumawa ako, kahit bakas ang lungkot doon.
"Nalimutan mo na ba? Sisante na ako. Kung ibibigay niya sa iyo ang sweldo ko kunin mo, pero kung wala naman, hahayaan ko na." Napahimas siya sa kaniyang sintido.
"Lasing lang naman si Sir, Morie. Nasabi niya lang siguro iyon dahil sa espirito ng alak sa sistema niya." Nilingon ko ang labas ng jeep.
"H-Hindi na, at saka hindi na rin naman ako magiging komportable. Nakakahiya na din sa iba natin na kasamahan." Napa-buntong hininga siya, ako naman ay umidlip na lamang.
"Morie." Unti-unti akong napamulat ng aking mga mata, nakahinto na ang jeep sa tapat ng restaurant ni Dandreb.
"Sure ka ba? Ayaw mo subukan? Baka hindi naman na galit sa iyo si Sir." Dumaan ang kirot sa aking damdamin at mula sa restaurant ay sa kaniya na ako tumingin at ngumiti.
"Sure na ako, Flora. Sige na, mag-ingat ka mamaya pag-uwi mo." Hinawakan niya ang aking kamay at nagpaalam na. Kumaway pa kami sa isa't-isa hanggang sa tuluyan na naming hindi abot ng tingin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Silent Noise (Anxiety Series #1) (COMPLETED)
Genç Kurgu"Noong nahanap ko ang sarili ko, nakahanap na rin pala siya ng ibang mamahalin." No one can hear my silent noise. And there, in the middle of my loneliness, like a shooting star that suddenly showed in the moonless night, he landed and stepped in my...