Chapter 2:Forgetting

723 23 0
                                    

Via's PoV

Dama ko ang sakit sa katawan, pati na rin ang  pakiramdam na naiinitan, marahan kong minulat ang mata at bumungad sakin ang maliwanag na kalangitan at mainit na sinag  ng araw

Dama ko rin na tila naglalakad ako, pero kumikirot pa ang katawan ko paano ako nakapaglakad

"Yuri she's awake" rinig kung saad ng isang babae kaya agad akong napa tingin sa kanya

Napabangon ako ng wala sa oras at mabilisang dumistansyansa sa kanya

Naka suot siya ng kapa at may pana sa likuran niya, i can say that she has that Aristocratic awra

Napatingin ako sa mga kasama niya, tatlong lalaki at kagaya niya may mga panindig itong Aristocrat mula sa pananamit at ayos ng pag upo

"Buti naman at gising kana, ano ba nangyari sayo?" Tanong ng lalaking tinawag na Yuri

Hindi nila ako kilala?

Ngayon ko lang din sila nakita, sa mga hanay ng Aristocrat na nag seserbisyo samin wala ang mga ito sa listahan

Akmang lalapit sakin ang babae pero agad akong tumalon sa kinalalagyan ko at agad na  tumakbo

Ngayon ko lang napansin na nakasakay ako sa isang karwahe, napatigil ako sa pagtakbo ng nakaramdam ako ng init sa paa ko

Wa-la akong sapin sa paa?

Nasa desyerto ako?

"Sandalii!!"rinig kung tawag ng babae sakin sabay habol, tila nawalan ako ng lakas dahilan ng pagbagsak ko sa napaka init na buhangin

Agad namang lumapit sakin ang apat, binuhat ako ng isang lalaki na di ko kilala

Taga saang Aristocrat kayo?

Napakuyom ang kamao ko dahil gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya sakin pero wala akong magawa

Dama ko ang init ng katawan niya na sinasabayan ng init ng araw

Tahimik niya akong nilagay ulit sa karwahe sumunod naman ang tatlo niyang kasama

"Hindi naman kami nangangagat, nakita ka namin sa gitna ng daan sa napakalawak na disyerto what happened to you?"

Napathimik ako sa sinabi niya dahil malabong totoo ito, ang pag ka alala ko nasa gubat kami papasok sa centro ng Sedon then we got ambushed

Marahan akong yumuko at niyakap na lamang ang sarili at marahan na umiling

Clint san kana?

Napasulyap ako sa pinanggalingan namin, nakaka gulo

Pano ako napadpad sa isang desyerto?

Napatingin ako sa kanilang tatlo na may hawak na kanyang papel  habang ang isa ay siyang nag mamaneho sa karwahe

May espada sa Likuran ang isa, kung titingnan ng mabuti mukang madali lang itong buhatin yung isa naman may sphere na nakalagay sa gilid niya

Yung nag mamaneho parang wala lang

RANDOM QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon