Chapter 38:BATTLE

274 16 0
                                    

Via's POV 

 Nagising ako sa isang maaliwalas na silid, nilibot ko ang tingin at huminto ito sa nakabukas na Veranda 

 Dama ko ang hangin na pumapasok sa loob, marahan akong bumangon at pinakiramdaman ang Sarili 

 Vanessa!

 Napakuyom ang kamao ko nang maramdaman ang budhi nito sa kaloob looban ko 

 Kung ganito man lang ang mangyayari mas mabuti ng ako na mismo kikitil ng sarili kong buhay

 Nakarinig ako ng mga yapak at sigurado akong papaunta sa kinalalagyan ko 

 Agad akong tumayo kahit wala pa sa kondisyon ang katawan ko pinilit kong lumakad at agad na tumalon

 "Kainis!!" Wala sa sarili kong sambit nang bumagsak ako sa lupa 

buti nalang at nagamit ko ang kapangyarihang hangi para di ako gaanong masaktan sa pag basak

 Agad akong tumakbo di ko na alam kung saan ako napdapad hinayaan ko lang ang mga paa ko kung saan niya ako dadalhin 

 Ako sa umaga,sisingit naman sa gabi si Vanessa ede putang ina! 

 Pa ika ika pa akong tumakbo dahil kahit san banda ng katawan ko nararamdaman ko ang pamamanhid 

 Nahinto ako ng namalayan ko na nasa fountain ako, agad akong napalingon sa bahay na dating tinuluyan namin kasama sina AyaNapatawa ako ng mapakla

 "Bakit dito?" Wala sa sarili kong tanong sabay tingin ng repleka ko sa umaagos na water fountain 

 Pinag titinginan ako ng mga tao pero ni isa wala man lang lumapit sakin

 Bilis naman nilang makalimot sa itsura ko.

 Nakarinig ako ng mga pag ubo sa paligid ko, para bang may malubha silang karamdaman

 "Via What are you doing here?" Gulat na Tanong ni Kuya kairus at akmang lalapit sakin

 Mababakas pa ang saya sa mukha niya na agad lang din napawi dahil sa pag atras ko

 Kita ko ang lahat ng nangyari and i am obligated to face the punishment but i don't want to hurt anyone 

 "Sis"taas kilay na sambit niya at akmag lalapit sakin ulit pero agad ulit akong lumayo sa kanya

 "I'm sorry" tanging saad ko

 Dama ko ang mabigat na presensya ni Vanessa na dahang dahang lumalamon sa kabuan ko na pilit kong nilalabanan

 Kung magiging mahina ako tuluyan na niyang manakaw ang sarili kong katawanNapatingin ako sa likuran ni kairus ng bumungad sakin sina Loyd at makikita sa itsura nila ang halo halong emosyon 

 Akma akong tatakbo palayo ng di ako makagalaw sa kinatatayuan ko 

 Ano to? 

 "You think i would let you run away?" Sambit ni kuya Kai 

kaya nabaling ang atensyon ko sa kanyaSa di malamang dahilan napatulo ang luha ko habang sumisikip ang dibdib ko 

 Biglaan ang mga pangyayari masyadong magulo

 Goddesses please help me. 

 Nagsusumamo kong sambit sa sarili

 Dama ko sa kaloob looban ang hapdi na para bang nalalapnos ang mga ugat ko at mas lalong umiinit ang dugo na nanalaytay sa katawan ko

RANDOM QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon