Chapter 8:Unlocked Ability

523 21 1
                                    

Via's PoV

Di ko mapigilang kabahan habang naka tingin aa mga babaeng naka maskara

Pano niya nalaman ang katauhan ko, sino sila?
Malabong nangaling sa loob ng palasyo sila lang ang nakaka kita sa itsura ko

"Ang pangit niyo ka bonding" saad ng babae kay Rue ng sina sanga niya ang atake nito kasabay nun ang pagmpakawala ng palaso ni Aya

Sumasabay naman si Yuri sa pag atake pero sadyang mabilis ang galaw ng babae kaya wala itong natamong sugat

"Mas pangit ka" saad pa ni Aya sabay pakawala ng palaso na gawa sa yelo

Umirap lamang ito at tumayo ng maayos habang si Rue at Yuri na nag hahabol hininga

Tinuro niya si Aya gamit ang espada, mabilis ang oras at agad na umilaw ang espada nito kasabay ang paglabas ng apoy na nangaling sa Espada niya

Dahil sa gulat natulala si Aya, agad namang kumilos si Loyd para sanggain ito

Nilapat niya ang kamay sa apoy na talagang napaka init kasabay nun ang pag litaw ng makapal na barrier

"Umi epal ka na naman!" Asik ng babae na biglang sumulpot sa tagiliran ni Loyd at agad na sinaksak ng matalim nitong espada

Nawala ang barrier kasabay nun ang pagtama ng apoy sa kanila ni Aya

"Noooo!!!" Agad na sigaw ko ng makita na tumilapon ng sabay ang dalawa

Nangingitim sa galit si Rue at Yuri pero ngumisi lang ang babae tyaka nag lakad papunta kina Loyd at Aya na nang hihina na

Si loyd na lumuluwa ng dugo Si Aya na nanginginig ang kamay pati pag hawak sa pana ay nanginginig na

"Lumayoo kaaa!"asik ni Rue at mabilisang umatake  sa babae

Huminto ang babae at sinanga ang espada ni Rue na parang wala lang

Ang lakas niya

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Unang apak ko palang sa islang ito bumibigat ang pakiramdam ko

Tila hinihila ako pababa pakiramdam ko yung lakas ko ay dahang dahang hinihigop ng lupa

Wala naman akong ginawa pero nanghihina ako, napatingin ako kay Yuri na ginamit ang sphere niya bilang tungkod

Ibig sabihin ba ganun din ang nararamdaman niya

"Pumunta kayo sa lugar na di niyo kabisado Tsk mga walang utak!" Asik ng babae sabay sipa sa sikmura ni Rue dahilan para tumilapon at mapa sobsob sa lupa

Lumapit yung babae kay Yuri tyaka kinaladkad siya papunta sa lokasyon nila Loyd na nakahiga

Pinag sama silang apat at tumingin sakin ang babae, tiyak kong kilala niya rin ako

Ang daya ng mga to

"Lugar to ng mga halimaw hindi lugar ng mga walang ibubuga" saad ng babae sabay pakita sakin ang bag na dala niya

Binuksan niya ito at bumungad sakin ang kumikinang na bato

Ang white stone?

RANDOM QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon