CHAPTER 3: Rankings

647 27 1
                                    

Via's PoV

Napatingin ako sa babaeng nakasakay sa kabayo habang nakalapat ang kamay kay Rue

Ice Mage?

Ngumiti ito tas kasabay nun ang pagbagsak ng mga yelo mula sa ibabaw ng ulo ni Rue

Biglang bumagal ang oras kasabay nun ang pagtakbo ni Loyd kay Rue, pansin ko pa ang pag ilaw ng kamay niya

Tinapat niya ang umiilaw na kamay sa ibabaw ng kanilang ulo kasabay nun ang pag litaw ng makapal na barrier

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

Shieldsman?

Ang pag kakalam ko kaunti nalang sa henerasyon namin ang mga nilalang na katulad niya

"Epal mo naman loyd"saad nung babae tyaka nagpakawala ulit ng yelo

Sa pagkakataong ito sumali yung isa pang mage na apoy ang kapangyarihan

Umismid lang si Loyd at marahan na binukhad ang kamay kasabay nun ang pag litaw ng barrier sa palibot nilang dalawa

Napatingin ako kay Rue na umiilaw din ang espada

"Ako naman"sambit nito at mabilis na tumakbo papunta sa harap nung lalaki at agad na inatake ng espada

Bawat sangga at atake ng espada nila ay nagdala ng medyo kalakasang pag yanig

Isa laban sa dalawa?

Swords man & sheildsman laban sa isang swords man

Ang galing!

Tumilapon yung kalaban ng gumawa ng barrier si Loyd sa likuran nito at sinipa ni Rue ang sikmura nito

Napasandal yung lalaki sa ginawang barrier ni Loyd na agad namang dinagdan ng suntok ni Loyd kaya tumilapon ito

Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya

Nakangisi ito ng mala demonyo

"Tanga tanga mo"rinig kong sambit ni Aya

Napatingin ako sa kanya hawak niya ang kanyang pana habang umaapoy ito

Ayaw ko pang ma tosta

Mahigpit ang pag kakahila niya sa pana, kapag pinakawalan niya pati ako madadamay

"Sinasagad mo pasensya ko" napaigting ako pati na din yung babaeng nakahawak sakin ng marinig namun ang boses ni Aya sa likuran namin

Napatingin ako sa harap ng nawala siya dun, isang kakaibang hangin ang naramdaman ko bago tumilapon sa malayo ang kalaban na umaapoy ang kasuotan

Napatingin ako kay aya tyaka binaling ulit ang tingin sa kalaban

Pansin ko si Yuri na sinosolo kalabanin dalawang mage At isang swords man

"Sa likuran ka lang"sambit ni Aya sakin kaya marahan akong umatras

Nag iba ang kulay ng pana ni Aya at naging kulay Asul ito, ibig sabihin ibang elemento ang ginamit niya

"Isang libo"mahinang saad niya sabay pakawala ng palaso, habang papunta ito sa kinakalaban ni Yuri dumudoble ang palaso

Isang libong dami??

Napatigil ang tatlong kaharap ni yuri ng mag isang sinanga ng swordsman ang mga palaso ni Aya

RANDOM QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon