Chapter 34:Decision

234 12 0
                                    

Aya's PoV

Nanatili pa din akong nakatayo at ilang minuto na ang nakalipas pareho pa din silang lumalaban sa pamamanhid ng katawan

"Wag mo nang patagalin pa lalo Aya!!"asik ni Rue

Napatingin ako sa kabuan niya na nahihirapan din sa sitwasyon

Sa sitwasyon naming tatlo mukang ako ang nalagay sa napakahirap na sitwasyon

Maaring nakatayo sila at nag hihirap, habang ako na nalilito kong sino ang iligtas ko, at sigurado akong sisihin ko ang sarili ko kapag namatay ang isa sa kanila

"Aya" mahinang tawag sakin ni Yuri kaya napatingin ako sa kanya

Ngumiti siya ng napakatamis at umupo sa sahig kaya mas lalo akong naguguluhan

"Umalis kana" sambita niya na naka dekwatro pang umupo

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya ganun din si Rue na nagulat

"Wag mo kaming alalahanin, to be honest we are not Worthy to be save, kaya na namin sarili namin diba Rue?" Tanong niya kay Rue sabay tingin dito

Napa ayos naman ng tayo si rue at marahan din na gumaya sa kanya sa pag upo at ngumisi

"Yeahh, malaki na tayo" pag sang ayon ni Rue

Di ko na napigilan at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinigilan

I'm so tired of being weak!

Sa aming lima ako ang mabilis na manghina, ako ang palaging pinoprotektahan pero nung dumating si Via nabigyan ako ng pag kakataon na maipakita na di ako ganun kahina

Na kaya ko ang sarili ko, na kaya kong pahalagahan ang mga bagay na importante sakin gaya ng mga ginagawa nila Loyd, Rue at Yuri

Nandito kami ngayon para iligtas si Via at di ko magagawa yun kung wala ang mga kasama ko

"Tumigill kayoo!!!" Mangiyak ngiyak kong asik kaya napatigil naman sila at tumingin sakin

"Sabay tayong pumasok! Kaya sabay tayong lalabas!! Ililigtas pa natin si Via sa tingin niyo kaya ko yun ng mag isa!!!??" Asik ko sa kanila

Marahan namang napatikom ang bibig nila at sabay na nag iwas ng tingin

Sa oras nato, ayaw kong maging pabigat! Lahat sila lumalaban

Hindi!! Hindi ako pabigat! Siguro nandito ako ngayon dahil sa sitwasyong to ako lang ang makakatulongnsa kanila

Kaya no! Di ako aalis hanggat di ko sila maligtas ng pareho!

RANDOM QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon