Loyd's PoV
Kung di kami naging pabaya at mas inuna ang kaligtasan ni Via kaysa sa pag hihigante at kagustuhang matapos ang mga laban namin kina Vin di sana nangyari to
"Magbabayad sila" malamig na saad ko habang naka harap sa pader at gigil itong sinapak.
Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko kaya napatingin ako kung sino
"Maliligtas natin siya" saad ni Rue dahilan para mapakalma ako ng kunti
Tama si Clint sana inuna namin si Via, masyado kaming kampante na kaya niya ang Cardinal kaya ganun na lamang ang mga kilos namin
Alam kong kaya niya pero dahil siya ang target kailangan lang siyang kunin at di lalaban
Siguradong sleeping potion ang ginamit kaya pati kami nalanghap namin at nakatulog rin ng ilang minuto
"Sa oras na makakita kayo ng kalaban, wag na kayong mag pigil" saad ko at agad na tumayo tyaka lumabas sa kwarto
Nalibot ang tingin ko dahil sa malawak na espasyo ng palasyo
Mahirap paniwalaan na isang Prinsesa ang nagugustuhan ko
Sa nakikita ko wala akong pag asa na mapasakin siya pero ang makitang nasa mabuting kalagayan siya sapat na sakin yun
Sa mga oras nato naguguluhan ako kung anong gagawin ko, di ko mapigilang wag sisihin ang sarili sa nangyari
Nasanharap ko na siya habang hawak hawak ng Cardinal pero wala akong nagawa para bawiin siya
"Loyd? tama ba?" Rinig kung sambit ng Hari
Napaharap ako sa kanya at agad na yumuko tinapik niya lang ang abaga ko kaya inayos ko ang tindig
Sumabay siya sa paglalakad ko habang may malalim na hininga
"My daughter won't make such actions as long as she doesn't care" saad nito kaya napatingin ako sa kanya
Ngumiti ito at huminto sa pag lalakad kaya huminto din ako habang nakatingin sa kanya
"Palaging tumutulong ang anak ko, pero ang pag ngiti sa harap ng madaming tao minsan lang, ang pagiging matapang sa harap ng tao minsan lang, sa araw na kikitilan kayo ng buhay ang minsang yun ay dumadalas" saad ng hari kaya napatigil ako
Anong ibig niyang sabihin?
humarap siya sakin at tinapik uliy ang abaga ko at tumitig sakin
"Good luck" saad nito at iniwan ako
Napalunok ako ng laway habang sinusundan ng tingin ang hari
I will bring her back!
Sisiguraduhin kong mababawi ko siya
BINABASA MO ANG
RANDOM QUEST
FantasyAn innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same person. Would a Noble princess claims her right and clear her name? What could Happen? What could b...