Via's PoV
Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid ng clinic habang kitang kita kung paano ginagamot ang mga tinuturi kong kaibigan
Kahit anong spell na ang nabanggit ng mga ito nakikita kong di pa rin ito tumatalab
"Make some healing potion! Now!" Asik ng pinunonong doctor
Napatayo ako ng maayos at mas nauna pang umalis sa inutusan niya
Alam kong di naman tatalab ang mga gagawin nila, kitang kita ko pa ang lason na kumakalat sa katawan nila
Umiitim na yung balat nila, napakuyom ako lalo ng iniisip ang kalagayan nila, mas binilis ko pa ang pag takbo hanggang nakarating ako sa laboratory room.
Hinanda ko ang mga sangkap, napatigil ako sandali ng malamang may kailangan akong idagdag
"Anong ginagawa mo?" Tanong ng matanda na gumagawa din ng potion
Marahan akong napatitig dito pati na din sa sangkap na nakalapag sa mesa
"Red grass? San mo nakuha ang sangkap na yan! Akin na yan ikukuha nalang ulit kita" saad ko at agad na lumapit at akmang hawakan pero sinapak niya ang kamay ko kaya napatigil ako.
"Importante at nag mamadali ako sa ginagawa ko kung gusto mo kumuha ka sa gubat, labas ng academya" saad niya at pinag patuloy ang ginagawa
"Ano ba kailangan na kailangan ko yan! Kahit ngay---" napatigil ako at agad na pinikit ang mga mata habang kinalma ang sarili at agad na tumalikod
Wala ding silbi nag sasayang lang ako ng oras habang nag agaw buhay na mga kaibigan ko
"Buhay ng estudyante niyo nakataya dito sana alam niyo yan" saad ko at mabilisang tumakbo palabas
Naghahabol hininga akong nakarating sa gubat dahil ang paaralang to pinapalibutan ng gubat madali lang mahanap yun
Nilibot ko ang tingin pero wala pa din akong mahanap kaya nag simula akong maglakad ulit habang nhinahanap ang ganun na damo
Kailangan ko na agad mahanap yun
Napatigil ako ng may tumalon mula sa isang puno papunta sa harap ko
"Ito ba ang hinahanap mo?" Saad nito sabay pakita sakin ang Red grass
Agad akong tumalikod dahil wala akong oras para makipaglaban pero ang damit niya
Black suits black masks, gayang gaya ng babaeng nag ligtas sakin at damit ng babaeng nakalaban namin sa monster forests
Black lady
Di ko pinansin at naglakad pero natigil din nang nag salita siya
"Aabutin ka ng gabi bago ka makahanap ng ganito, sa lawak ng gubat sa tingin mo basta basta mo lang makikita to?" Saad niya
BINABASA MO ANG
RANDOM QUEST
FantasyAn innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same person. Would a Noble princess claims her right and clear her name? What could Happen? What could b...