Via's PoV
Tahimik akong nakaupo sa isang silya, kauna unahan kong umattend ng klase
Kanina pa din ako naa asar kasi bakit kailangan pa akong pumasok eh di naman ako enrolled sa paaralang to
Katabi ko si loyd na kanina pa nakatingin sakin habang si Rue na nasa unahan at kanina pa panay lingon samin
Tas si Yuri at Aya na nasa malapit sa bintana
"Ngayon ko lang napansin.. di ka pala nakakasawang titigan" saad niya na may nakakalokong ngisi dahilan para mapasama ang awra ko
Pati ba naman ngayon mang aasar ang lalaking to?
Kahapon nga todo asar sakin, ano kayang nakain ng lalaking to at ganito ang naisip
"Tumahimik ka at makinig sa guro!" Gigil na saad ko
Nasa harap kasi ang guro habang nag dedemo kung pano gumawa ng potion para sa healing
Easy lang naman sakin yan, pero dahil mabait ako nanahimik lang ako
May mali pa nga sa mga ingredients niya medyo nasobra pero okay na rin yun
"Aminin mo na kasi na gusto mo ko, kasi ako parang ganun ang nararamdaman ko" saad niya na pa simple lang tumingin sakin
Nanlaki ang mata ko sabay napatigil at mabilisang humarap sa kanya pero siya normal lang na nakatingin sakin
Pilit kong binasa ang emosyon na makikita ko sa mukha niya pero tanging inosenteng mukha lang ang nakikita ko
"Tatahimik ka o tatangalan kita ng hininga!" Gigil na gigil kong saad sa kanya
Marahan lang siyang tumawa tas ilang saglit pa nakatanggap ito ng batok mula sa guro namin kaya napatingin ang lahat samin
Yan karma
Punandilatan lang siya ng guro pagkatapos mabatukan at bumalik sa harap
Napaiwas naman siya ng tingin at nag ayos ng upo
"Okay class you may now start" saad ng guro kasabay nito ang pag litaw ng mga kakailanganing gamit para sa pag gawa ng potion
At dahil di ako estudyante dito nakikitsismis lang ako
Marahan akong tumingin kay Loyd na may pang aasar tyaka tingin sa mga gamit
"Start na daw" saad ko sabay ngiti sa kanya
Yan wag ka pang makinig
Masama siyang tumingin sakin at lunok ng laway habang tumingin sa guro
Nag buntong hininga siyang tinitigan ang mga gamit at nag dadalawang isip na hawakan ito
"Loyd? Is there any problem?"tanong ng guro, umiling lang siya at nag simulang mag halo ng sangkap
Nalala ko na ang mga kakaibang dahon at katas ng mga puno na narito sa harap namin ay galing sa monster forest
Bahagya akong napatigil dahil dito
BINABASA MO ANG
RANDOM QUEST
FantasyAn innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same person. Would a Noble princess claims her right and clear her name? What could Happen? What could b...