Narrator's PoV
Nakatayo ang isang babae sa madilim na parte habang nakatingin sa napakalawak na lugar
Sa likuran niya naka luhod at nakayuko ang mga naka itim na babae
"Pasensya na di ko ibig na maskatan kayo ng labis" saad nito
Marahan namang napakuyom ang mga ito at agad na tumingala sa babae
"Wala kayong dapat ipag pahingi ng pasensya, tungkulin namin na gawin ang mga utos mo" agarang saad ng isang babaeng naka yuko
Napangiti naman matamis ang babaeng nakatayo tyaka humarap sa kanila at inayos ang tindig
"Di ko inakala na ganun kalakas ang ilalabas niya, ipagpatuloy ang pag babantay sa kanya" saad nito
Tumango lang ang mga ito at agad na umalis sa lugar habang yung isa nanatiling nakatayo sa gilid niya, napangiti naman ang babae tyaka umupo sa kanyang upuan na may ngiting tagumpay
Nagigising na ang natutulog mong kakayahan, sigurado akong madami ang mag hahabol sayo
Saad nito sa sarili, marahang kumuha ng mamahaling inumin tyaka ininom ito habang iniisip ang maaring magaganap
"Meron pang isang problema, gusto kong alamin mo ng palihim" saad nito tyaka binigay ang isang sulat sa babaeng nakatayo
Bahagya pa itong nagulat na tumingin sa kanya, seryosong naka tingin sa papel ang babae
Marahan lang na tumango ang babae at agad na umalis sa lugar tanging Ang babae na lang ang naiwan
Subukan mong wag mag kamali, kundi mag babayad ka!
Sambit nito at agad na umalis sa silid
°°°°°
Sa kinalalagyan ng Cardinal naka upo sa mesa habang nanonood ng isang labanan sa screen kasama ang apat na nilalang
Makikita dito ang labanan na naganap sa pagitan ng Rank E at ang Alagad ng cardinal
"Sino ang babaeng yan!" Gulat na tanong ng Cardinal ng makita si Via sa screen na pa simpling sinangga ang atake at kahit anong galos wala man lang itong natamo
Siya na kaya??
Wala sa sarili nitong sambit
"Di rin namin kilala pero malabong siya ang hinahanap, ang mga Dugong maharlika ay kayang gawin ang bagay na yan" saad ng lalaking nasa tabi ng Cardinal
BINABASA MO ANG
RANDOM QUEST
FantasyAn innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same person. Would a Noble princess claims her right and clear her name? What could Happen? What could b...