WRONG SEND 11 [Narration]

69 6 0
                                    

Justin P.O.V

Kakain kami sa labas nila Josh ngayon libre daw ni Stell ewan ko d'yan. May nakilala daw kasi s'ya sa Twitter. Stalker amp.

Kuripot din 'to eh pa'no sa Mcdo kami napunta kala ko naman sa mga samgyup ganon. Pumila na lang kami lima. May limang babaeng nakapila dito sa harap namin and sila mauuna.

Habang nakapila kami ay may narinig akong pangalan na familiar. "Mirah, hahanap na lang kami ng upuan ikaw na umorder. Dating gawi na lang" saad nung babae na maliit, sorry parang lait naman ata yung maliit hahaha.

"Sige" saad nung tinawag na Mirah, tumingin naman ako dun sa Mirah kuno at nagulat ako ng makita ito. OMG ang ganda. Umalis yung apat at naghanap ng upuan. Waahhh nakita ko na si Mirah sa personal.

Natapos kaming mag-order ay umupo kami sa medyo malapit na upuan malapit sa kanila. Pagkaupo namin nagulat ata si Mirah. "Hi Mirah" bati ko sakanya, umiwas naman ito ng tingin.

"Hoy Mirah yan ba si Justin?" tanong nung isang babae, "ay hindi Nayah" biro nung isang babae, binatukan naman s'ya nung Nayah. "Tumigil nga kayo! Ang ingay n'yo. Scandalosa ka talaga Cassandra!" saad nung isang babae, habang kumakain.

"Ikaw nga Rebel! Wag pavictim Yas!" saad nung Cassandra kuno, binatukan din 'to nung Yas. "Mirah, kamusta na pala?" tanong nung isang babae, tumingin naman ito si Mirah dun sa babae.

"Huh?" tanging sagot lang ni Mirah, may problema ba 'to? Hindi naman yan ganyan sa chat. "Justin, yan si Nayah oh yan yung nakilala ko sa Twitter. Pero hindi ako kilala kaya tumahimik ka ha" bulong sakin ni Stell, nag thumbs up na lang ako. Kaibigan pala ni Mirah yung nakilala ni Stell hahaha.

"Mi, kailangan kaya dadating yung araw na papapasukin mo na kami sa bahay n'yo. Like ang dami na namin hindi alam sa'yo after mangyari 'yon?" sagot nung babae, yumuko naman si Mirah. "Ewan Ate Kate" saad nito, nag-sigh na lang yung Kate.

"Mag open up ka minsan para hindi lang ikaw ang nagso-solve ng problema mo, okay?" tanong nung Kate, tumango na lang si Mirah. "I'll try" saad ni Mirah. Mystery talaga 'to si Mirah ang dami kong hindi alam sakanya.

Well sana okay lang s'ya and masolve n'ya na yung problema n'ya. "Nga pala Hi Justin" bati ni Kate, habang kumakaway pa. "Hello po" saad ko, at ngumiti. "Ikaw pala yung laging ka-chat ni Mirah hahahaha. Yung na wrong send n'ya." saad ni Yas, habang tumatawa pa.

"Medyo hindi katulad ni Mirah yung personality n'ya dun sa chat n'yo hahahaha. Masungit si Mirah pero syempre mabait din pag nakilala na ng husto. Pagpasensyahan mo na lang kasi do'n n'ya inilalabas yung sama n'ya ng loob sa pagsusungit. Marami ka pang hindi alam sakanya

Kaya get ready to know it kung gusto mo." saad ni Nayah, weird. Iba pala personality n'ya pag sa chat. Sa chat maloko s'ya pero sa personal masungit pala 'to. "Kung ano ano pinagsasabi n'yo." saad ni Mirah, tapos umirap pa. Masungit nga hahahaha.

"Jah, aalis na pala tayo may practice pa tayo diba?" saad ni Pau, tumango na lamang ako. "Sige aalis na kami" saad ni Pau ulit, kumaway naman ako sakanila at kumaway din sila pabalik. Naglakad na kami papunta sa sasakyan.

𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐝 , 𝒋𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒅𝒊𝒐𝒔✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon