Mirah P.O.V
Ngayon ay nandito ako sa living room nanonood ng tv since wala naman akong magawa. Hindi ko naman mayaya mga kaibigan ko dahil nasa manila sila at ako ay nasa laguna.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan si mama at kuya, ano naman pinag-awayan nila? May gf na ba si kuya?
Sakto naman na tumabi sakin si kuya kaya tatanong ko na lang sya. "Kuys, bat kayo nag-away ni mama that lead us here in laguna?" Tanong ko, napabuntong hininga na lamang sya. "May girlfriend na kasi ako" saad nya, so i'm right may jowa na sya.
"Nag break ba kayo? Anong pangalan nya?" Tanong ko muli, "hindi kami nagbreak. Mahal ko sya kaya hindi ko kayang sirain ang puso nya. Kaye, Kaye ang name nya." Saad nya, sanaol. Tapos nun ay kinuha nya ang phone nya at pinakita sakin si Ate Kaye.
Maganda sya, she's so lucky to have my kuya. Wishing them a good relationship. "Lika labas tayo." Saad nya, at hinawakan ang kamay ko. Lumabas naman kami ni kuya.
Nag-ikot naman kami, ang dami kong memories dito kasi dito ko nakilala ang first love ko. Nung iniwan nya ko sobrang nagalit si mama kasi yun din yung araw na iniwan sya ni papa. Pero kahit na ganon hindi ako nagalit kay papa at sakanya, nasaktan lang ako sa ginawa nila.
Habang papalakad kami ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki, is that Jaehyun? With another girl. "Alleyah?" Saad nya, sya lang nakakapagsabi ng pangalan na yan dahil bigay nya yan sakin.
I hate to here that nickname dahil naaalala ko ang past memories namin. "Jaehyun." Saad ko, gusto ko syang sampalin pero hindi ko magawa. "Bumalik ka na pala dito sa Laguna. How are you?" Tanong nya, tinignan ko ang babaeng kasama nya.
"Yes, and i'm fine. Hello" saad ko, habang tumitingin pa rin sa babae. "Hi, I'm Eunseo." Saad nya at nilahad nya ang kamay nya saakin. Kinuha ko naman ito. "Mirah. Nice to meet you." I said, while faking a smile. "You too." Saad nya.
"Siya si Eunseo girlfriend ko. Eunseo sya si Mirah ex ko." Saad ni Jaehyun, umiwas naman ako ng tingin. "May boyfriend ka na ba?" Tanong nito, umiling naman ako. "No, My mom won't let me but I like someone else." Saad ko, nagulat naman si kuya. Hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko.
Meron na ba akong gustong lalaki? Sino naman? Ang weird. "Alis na kami, Jaehyun and Eunseo." Saad ni kuya, tumango naman silang dalawa. Tumalikod na kami ni kuya at naglakad pauwi.
Nang makadating kami ay umupo ako sa couch. "Sinong gusto mo?" Tanong ni kuya, hayst. "Ewan ko. Lumabas na lang yun sa bibig ko eh." Sagot ko, honestly wala akong alam kung sinong gusto ko.
"Eh? Pwede ba yon? Baka si Justin na?" Saad nya, napatigil naman ako sa sinabi nya at napaisip. Si Justin? Pano? Bakit ang bilis naman kung si Justin? "It's impossible. 5 months pa lang nung nakilala ko sya, bakit naman ang bilis diba?" Tanong ko, wala sa isip ko na magustuhan sya.
"Pwede yon sistahh, kami ni kaye bago pa lang din kami nagkakilala pero nagustuhan naman agad namin ang isa't isa. Walang pinipiling oras ang pag ibig." Sagot ni kuya, so you mean i like Justin? Pero hindi mangyayari na maging kami becuz he alrdy moved on.
Namimiss ko na nga din yung chat nya eh at yung pangungulit nya syempre pero wala na akong magagawa...
BINABASA MO ANG
𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐝 , 𝒋𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒅𝒊𝒐𝒔✓
Fiksi Penggemar⤷ᴏᴍᴀʏɢʜᴀᴅ ɴᴀ ᴡʀᴏɴɢ sᴇɴᴅ ᴀᴋᴏ sᴇɴᴅ ʜᴇʟᴘ! ↺ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴛʜᴇ ɢɪʀʟ ᴅɪᴅ ɴᴏᴛ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴀᴛ sʜᴇ sᴇɴᴅ ɪᴛ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴡʀᴏɴɢ ᴘᴇʀsᴏɴ. | "?" 𝑾𝒉𝒂𝒕? 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1 | sᴛᴀᴛᴜs: ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ☑︎ | ▢ sᴛᴀʀᴛᴇᴅ: ᴍᴀʀᴄʜ 14, 2021 | ▷ ᴇɴᴅᴇᴅ: ᴀᴜɢᴜsᴛ 07, 2021