WRONG SEND 33 [NARRATION]

58 8 0
                                    

Mirah P.O.V

Nagkita narin kami ni Ate Kate since umuwi din sila dito sa Laguna. Panandalian lang binisita lang nila ako.

Balita ko din nandito sila Stell? Ewan ko kung bakit. Ngayon ay papunta kami ng mall since wala naman kaming gagawin sa bahay.

Nag-ayos ako ng aking sarili at bumaba. "Kuya, alis na kami!" Saad ko, tumango naman ito. Andito kasi si Ate Kaye yung girlfriend nya, syempre masaya ako kasi nakikita ko yung kuya ko na masaya.
























Nakarating na kami nila Ate sa mall, since mags-shopping lang naman sila ay sasabay na din ako. Nakaka-usap ko pa ba ang mama ko? Yes, pero bihira na lang.

Nakakausap ko pa ba papa ko? Yes and sinabi nya sakin na may iba na syang pamilya. Hindi naman masakit 'no??? By the way nasa girls changing room na sila ako lang nasa labas hinihintay ko sila.

Inikot ko ang mga mata ko sa paligid hanggang sa may nahagip ang mata ko, isang babae papalapit sa grupo ng lalaki, wait. Is that SB19?! OMG! Nakita ko naman na yinakap ng babae si Justin. Tumingin ako sa gawi nila Stell at nagulat din sila, tinignan naman ni Stell ang paligid at nagkatinginan naman kami.

Kasabay non ang paglaki ng mata nya at pagtawag sakin ng mga kaibigan ko. "Rara, tara na." Ramdam ko ang paglapit sakin ng mga ate ko, ramdam ko din ang pagtingin nila sa gawing tinitignan ko. "Omg!" Sabat ni Ate Cass.

Naramdaman ko ang paghakbang ng aking mga paa doon ko lang napagtanto na tumutakbo na pala ako. Narinig ko ang pagtawag ng mga kaibigan ko saakin.

"Mirah!" Sigaw nila, hindi ko sila pinakinggan at patuloy na tumakbo. Hindi ko mapigilang masaktan. Mahal ko na ba talaga sya? Bakit ang bilis naman? Ayaw ko pa, ayaw kong sumubok ulit. Ayaw ko na muling masaktan. Ayaw kong buksan ang puso ko.

Stell P.O.V

"Jah!" Tumingin naman kami sa sumigaw noon, nakita ko ang isang babae papalapit kay Jah. Nang makalapit sya ay niyakap nya si Justin. Eh? Sino sya? Tinignan ko naman ang paligid kung may nakarinig non.

Habang tumitingin ako ay nahagip ng aking mata si Mirah. Hala anong ginagawa nya dito? Nakita kong nakatingin sya sa saamin at nagkatinginan pa nga kami.

Syempre nagulat ako kasi nandito sya. Kinulbit ko naman yung tatlo at itinuro ng palihim si Mirah. Nagulat din sila syempre kasi nga alam namin na may gusto si Mirah kay Justin.

Bigla namang lumabas sila Nayah sa changing room. Tumingin din sila sa gawi namin at nagulat din sila. Bigla namang tumakbo si Mirah, sumigaw naman yung apat at sinundan si Mirah.

Luh gusto ko din syang sundan pero baka mahalata ni Justin. Tumingin muli ako sa dalawa. "Anong ginagawa mo dito, Keesha?" Tanong ni Justin.

"Bakit hindi mo ba ko namiss?" Saad nung Keesha kuno, sino ba sya? "Sino ba yan Jah?" Tanong ni Pablo, buti naman tinanong nya. "Sya si-" pinutol naman ni Keesha ang sinabi ni Jah.

"I'm Keesha and ako yung ka-chat ni Justin. Nagconfess nga sya sakin eh" saad nito, what? Nagulat naman kami. "Keesha dati yon hindi na kita gusto ngayon. May iba na kong gusto, layuan mo na ko." Saad ni Justin, wala syang expresyon kundi pagkainis lang.

"Why? Wala ka namang Jowa eh." Sagot ni Keesha, nakakainis tong babaeng to. "Jah, pano si Mirah?" Tanong ko, kumunot naman ang noo ni Keesha. "Who's Mirah? Siya ba yung gusto mo, Justin?" Tanong nya.

"Oo, ano naman?" Tanong pabalik ni Jah, atsaka umalis sumunod naman kami sakanya. Lagot na pano na yan.

𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐝 , 𝒋𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒅𝒊𝒐𝒔✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon