Mirah P.O.V
Breaking News:
SB19 JUSTIN rumored girlfriend? just this morning, the news spread that Justin and Stell of SB19 commented on the latest profile picture of a woman named 'Mirah'. The following is the comment of two group members:
'Akin na lang yung ilaw!'
'Pati ikaw? Sakin na sakin na?'
'Hoy! Ano yan?'
The following is the response of their fans:
'Malay n'yo friends lang sila!'
'If ever na sila nga support na lang natin A'tin kasi buhay nila yan. Hindi naman habang buhay satin sila, Pwede din silang mainlove. Kung dumating na yung araw na 'yon ang dapat nating gawin ay sumoporta sa kanila imbes na ibash sila. Wag n'yong hintayin yung araw na mawawala yung tiwala ng esbi satin dahil sa ginawa natin sa mga owaj nila. Okay?'
'Aww. Ang ganda ni girl. Ingatan mo na lang Jah. Kahit ikaw yung iniidolo namin babae parin s'ya hehehe.'
'Stay strong sainyo kung kayo nga. A'tin is here to support you Jah.'
so far there is no proof that this is true. we will report it if there is any.
Heck! Sabi na eh nabalita eh. Natatakot tuloy akong bumaba dahil sa narinig kong 'yon.
"MIRAH ALLEYAH!" sigaw ng mama ko sa baba, sabi na eh. Bumaba naman ako at nakitang galit ang aking mama. "Ano yung nasa tv?" kalmang sabi ni mama, pero alam ko nanggagalaiti na yan sa loob.
"May jowa ka? Gusto mong maranasan uli yung nangyari sa'yo?" tanong ni mama, i hate the past i don't want to experience that again. Umiling ako bilang sagot sa mama ko. "Ayaw mo naman pala eh. Sino yon? Sikat yun ah. Bakit ka nakikipagrelasyon sakanya? Gusto mo ba masaktan?" saad uli ni mama, ayoko na nagagalit s'ya pero anong magagawa ko? Kasalanan ko naman eh.
Di ko s'ya masisisi. "Ma, hindi ko s'ya jowa." tanging sagot ko, umiling naman s'ya. "Wag ka ng magpalusot, Mirah. Layuan mo s'ya. Kung kailangan mong makipaghiwalay sakanya gawin mo. Ayaw kong naririnig na may jowa ka kung ayaw mong maranasan yung dati. Naiintindihan mo ba 'ko, Mirah?" saad n'yo.
Lagi na lang ba ganito? Pinagbabawalan ako sa mga gusto kong gawin at maranasan? Sawang sawa na'ko na lahat ng lalaki kong kaibigan ilalayo n'ya. Hindi n'ya naman ako katulad eh. Kung iniwan s'ya ni papa ibahin n'ya ko. Hindi kami magkatulad na tatandang dalaga dahil iniwan lang ng asawa. Gusto ko s'yang sagutin pero hindi ko magawa dahil lagi kong pinaalalahanan na nanay ko s'ya.
Na may utang na loob ako sakanya. Na utang ko yung buhay ko sakanya. Every child deserve a parents but not every parents deserve a child. Utang ko nga yung buhay ko sakanya pero hindi n'ya naman pinahalagahan. Ganon na ba s'ya ka galit sa mga lalaki? Lalaki din yung anak n'ya pero hindi n'ya naman tinuring na anak si Kuya.
"Ma, hindi naman habang buhay sasaktan ako ng lalaki eh! Ma, magkaiba tayo! Iniwan ka ni Papa pero ako hinde! Hindi ka namin iniwan ni Kuya, Ma! Kahit na strict ka sakin pero hindi kay Kuya mahal kita ma, never ka naming iniwan! Kahit na hindi mo tinuring si Kuya na anak mo dahil nakikita mo sakanya si papa, mahal ka n'ya! Walang anak na hindi mahal ang mama n'ya o ang papa n'ya kahit ilang beses pa sila nagkamali.
Ma, kung iniwan ka ni papa hindi ibig sabihin iiwan din ako ng mamahalin kong lalaki! Ma, magkaiba tayo. Ayaw kitang sagutin ng ganto pero napupuno na'ko eh." saad ko, pagkasabi ko noon ay sinampal n'ya ko.
"Wala kang utang na loob! Kayong dalawa ni Luke! Sundin mo ang sinasabi ko! Layuan mo yang lalaki na yan! Kung ayaw mong magkagalit tayo Mirah!" saad n'ya at tumaas sa kwarto n'ya. Hinawakan ko ang sampal sakin ni mama. Ngayon ko lang 'to naranasan at masakit pala na sampalin ng sarili mong Ina.
Lumapit sakin si Kuya. "Sana hindi mo na lang sinagot si Mama. Gawin mo na lang yung sinabi n'ya para wala ng gulo. Tahan na bunso" saad n'ya, patuloy lamang ako sa pag-iyak. Nilaro ni Kuya ang mga buhok ko habang nakahiga naman ako sa dibdib nito.
"Kuya, kailan kaya dadating yung araw na hindi na galit si mama sa mga lalaki pati narin sa'yo. Yung papayagan n'ya na ko magkaroon ng katuwang sa buhay, yung wala ng gulo masaya na lang ang lahat. I hope na dumating yung araw na 'yon." saad ko, habang pinapatahan ang aking sarili. "Dadating din yan, pero ngayon ang dapat nating gawin ay lagpasan ang pagsubok sa pamilya natin"
Tama pagsubok lang 'to. Hinding hindi namin isusuko ang pamilya namin dahil lang sa pagsubok na 'to. I guess staying away from Justin is a best idea.
BINABASA MO ANG
𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐝 , 𝒋𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒅𝒊𝒐𝒔✓
Fanfiction⤷ᴏᴍᴀʏɢʜᴀᴅ ɴᴀ ᴡʀᴏɴɢ sᴇɴᴅ ᴀᴋᴏ sᴇɴᴅ ʜᴇʟᴘ! ↺ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴛʜᴇ ɢɪʀʟ ᴅɪᴅ ɴᴏᴛ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴀᴛ sʜᴇ sᴇɴᴅ ɪᴛ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴡʀᴏɴɢ ᴘᴇʀsᴏɴ. | "?" 𝑾𝒉𝒂𝒕? 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1 | sᴛᴀᴛᴜs: ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ☑︎ | ▢ sᴛᴀʀᴛᴇᴅ: ᴍᴀʀᴄʜ 14, 2021 | ▷ ᴇɴᴅᴇᴅ: ᴀᴜɢᴜsᴛ 07, 2021