Mirah P.O.V
ewan ko pero ang weird kasi pinapauwi kami ni Mama kaya wala kaming nagawa ni kuya kundi sundin sya. Syempre nanay pa rin namin sya.
nag-ayos na lamang ako at bumaba. Nagpaalam na kami kay lola at sa mga kamag-anak namin. Sumakay naman kami sa tricycle ng asawa ng lola ko na kapatid ng lolo ko na yumao na.
After namin sumakay ng tricycle ay sumakay kami ng Jeep tapos bus ganon syempre malayo ang manila sa laguna.
After ng mahabang byahe ay finally nakuwi na rin kami sa bahay. Kumatok naman kami sa pinto ngunit walang sumagot ni isa kaya pumasok kami.
"Ma?" saad ni kuya, hinanap naman namin si Mama sa buong bahay, pumunta ako sa kusina at may nakita akong letter. "Kuya, lika!" sigaw ko kay kuya, dali dali namang pumunta dito si kuya.
binasa ko naman ang letter. "Mga anak, umalis lang si Mama para mag-grocery. Syempre dadating kayo kaya kailangan punuin ang ref natin." basa ko, ngumiti naman kami ni kuya sa isa't isa at umupo sa couch. Doon ay hinintay namin si mama na dumating.
maya maya din ay may kumatok sa pintuan namin, binuksan naman ito ni kuya at nakita namin si mama na may dalang grocery. Tinulungan naman ito ni Kuya at inilagay sa kitchen. Muling umupo si kuya sa tabi ko saktong punta naman ni mama at umupo.
"Mga anak, pasensya na at napapagalitan ko kayo noon. Pinagbabawalan ko kayo sa dapat na gawin nyo na katulad ng pagkakaroon ng minamahal. Ayaw ko lang naman kayo masaktan at maranasan ang nangyari kay mama nyo. Pasensya na mga anak. Pumapayag na ako na gawin nyo ang inyong mga gustong gawin.
hindi na tututol si mama kahit magkaroon pa man yan ng jowa. Lalo na sayo, Mirah. Luke, payag na ako sa relasyon nyo ng jowa mo. Ipakilala mo na lang saamin yan ng kapatid mo. Malamang nagtataka kayong dalawa kung paano. Kasi kinausap ako ng mga kaibigan mo, Mirah. Kung gaano ka nasasaktan na pinipigilan mo ang sarili mong kasiyahan.
siguro ay nasasakal ko na kayong dalawa. Pasensya na mga anak ha. Payakap nga si Mama. Na-miss kayo ng mama." salaysay ng aming ina, ngumiti naman kami ni kuya at niyakap si mama.
finally, masaya na muli ang aming pamilya. Salamat...
BINABASA MO ANG
𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐝 , 𝒋𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒅𝒊𝒐𝒔✓
Fanfic⤷ᴏᴍᴀʏɢʜᴀᴅ ɴᴀ ᴡʀᴏɴɢ sᴇɴᴅ ᴀᴋᴏ sᴇɴᴅ ʜᴇʟᴘ! ↺ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴛʜᴇ ɢɪʀʟ ᴅɪᴅ ɴᴏᴛ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴀᴛ sʜᴇ sᴇɴᴅ ɪᴛ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴡʀᴏɴɢ ᴘᴇʀsᴏɴ. | "?" 𝑾𝒉𝒂𝒕? 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1 | sᴛᴀᴛᴜs: ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ☑︎ | ▢ sᴛᴀʀᴛᴇᴅ: ᴍᴀʀᴄʜ 14, 2021 | ▷ ᴇɴᴅᴇᴅ: ᴀᴜɢᴜsᴛ 07, 2021