Chapter 3

12 4 0
                                    

"Nakakapagod," Humilata si Ayisha sa sofa nang matapos kami sa pag aayos ng pinamili namin.

Halos limang oras yata kaming namili dahil na rin sa sobrang dami niyang kinuha. Kulang nalang hakutin niya ang buong mall.

"Hindi na ako mapapagalitan nito," Ani niya at dumapa na.

Bumalik ako sa kitchen at nag bukas ng coke n' can at nag dala na rin ng chips. Naka kain na rin naman kami kanina kaya ayos na 'to.

Nilapag ko 'yon sa mesa at umupo sa tabi niyang sofa.

"Pinagalitan kaba kahapon? "Pag tatanong ko bago uminom.

Umahon siya sa sofa at parang lantang gulay na kinuha ang chips sa mesa. Halos matawa ako sa kaniya dahil doon.

"Oo." Tipid na sagot niya.

"Bakit? " Natatawang ani ko kaya sinamaan ako niya ng tingin.

Binalik ko sa mesa ang iniinom ko at sumandal nalang muna sa backrest ng sofa para maka pag pahinga.

"Kung bakit daw tinawagan ko pa si yaya Milda para mag ayos ng gamit ko dito,"

Para siyang batang nag susumbong sa'kin kaya hindi ko mapigilang matawa.

"Anong nakakatawa?"  Pasaring niya pero umiling ako.

Akala ko siya ang naglinis ng pad niya. So, Yaya Milda did pala. Kahit kailan talaga ang isang 'to... Tamad!

"Uuwi na nga ako,"

Nilapag niya ang chips sa mesa kaya madali akong umahon sa sofa sa pag aakalang nag tatampo 'to. Bago pa ako makapag tanong ay inunahan na niya ako.

"Pagod ako okay? Wag kang mag isip ng kung ano ano diyan, "

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at binalik na sa sofa ang katawan ko.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong pagod. Parang gusto ko nalang matulog.

"Baka maaga akong matutulog ngayon dahil sa pagod kaya hindi na ako makakapunta dito." She said and get her bag na malapit sa tv.

"Okay. Good night, then,"  Ani ko at pumikit saglit.

Rinig ko ang pag sara ng pinto at ang pag sagot niya sa sinabi ko bago ako nakatulog.

Nagising ako kinaumagahan na nasa kama na ako. Sa pagkakantanda ko ay sa sofa na ako nakatulog kaya nakakapag taka naman ata at nandito na ako ngayon sa kama.

"Did i sleep walking ?" Sabi ko sa sarili ko pero umiling din agad dahil hindi ko naman gawain 'yon.

Nang maka ligo at maka bihis ako ay may na amoy akong nag luluto. Sobrang laki ng ngiti ko na baka si Ayisha 'yon at pinag luluto ako. Pero nawala rin 'yon kalaunan nang maalala kong hindi naman marunong mag luto si Ayisha.

"Shit!" I cursed.

Madali kong hinablot ang saksakan ng blower at tumakbo na palabas ng kwarto ko para makita kung sino 'yon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil baka mag nanakaw 'yon. Pero napaka imposible naman.

Nang makarating ako ay gano'n nalang gumaan ang loob ko. Pagka bukas ko kasi ng pinto ay tumambad sa'kin ang mala adonis na katawan ng tatlong lalaki na naka hubad at may suot na apron.

Lumingon sila sa kung na saan ako.

"Good morning, Baby!" Bati sa'kin ni Kuya Levi at hinalikan ako sa pisngi.

May mga harina siya sa ulo at amoy karne siya kaya ngumiwi ako.

"How's your sleep?" Sunod na lumapit si Kuya Leo sa'kin at hinalikan naman ako sa kabilang pisngi.

She's the Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now