The first week of school is done smoothly and it went well. Despite the eyes of those students who choose to gossip all the time. Usap usapan parin kasi ang nangyari sa cafeteria noong first day of school.
Hindi yata alam nang mga taong 'to ang mag move on. It's been a week pero 'yon parin ang topic. Sa buong linggo na 'yon ay puro gano'n ang pinag uusapan nila. I don't mind naman. Pero ang pangit lang kasi na pinag uusapan ka at your back, kahit na wala naman ako totally ambag sa sagutan nang dalawa.
Kuya Leo knew about what happen dahil na kwento daw ni Kuya Liam . I was surprised, wala naman kasi akong pinagsabihan nun. I ask kuya Leo pero hindi naman niya na daw natanong kung saan 'yon nalaman ni Kuya Liam.
"Saan tayo ngayon?" Ayisha asked.
Nakahiga siya ngayon sa kama ko at may chips pa siyang kinakain. Parang prinsesa ang buhay, feeling may bahay nga lang.
"Set mo na nang maka alis na tayo." I closed my laptop at hinarap ang upuan ko sa kaniya.
It's sunday today. Napag pasyahan namin na mag hang out every sunday pahinga session na rin. Saturday is our self day kasi. I declared that one because i want peace. Pag nandito kasi ang isang 'to puro ingay lang ang matatamo ko.
It's not that I don't want her here but because I want to have a quality time for myself, so as her... It's for our own good naman. I need peace of mind.
Maganda kasing ipahinga din minsan ang sarili. Give yourself a break....Self-care is a must.
"Parang gusto kong mag mall ngayon." Pumangalumbaba siya at ngitian ako. Nag taas baba pa ang kilay niya habang inaaya ako sa gusto niya.
Wala rin naman akong ginagawa.
Tumango ako."Let's go, then." Ani ko at tumayo na.
Since bihis naman na siya bago pumunta dito ay umalis na rin kami.
Nang makarating kami sa mall ay may nadaan kaming matanda sa parking lot. May mga bitbit siyang saging at iba pang mga prutas. Mukhang ibebenta niya ang mga 'yon.
May humaplos sa puso ko nang makita ang mga pawis niyang nagbabagsakan sa kaniyang noo. She looks tired. Sa sobrang init ba naman ng panahon ay binabaybay niyang mag isa ang kalsada para lang mag benta.
"Mauna kana sa loob. May titignan lang ako saglit." Ani ko kay Ayisha nang bumaba na siya sa kotse niya.
May pagtataka sa mukha nito pero pumayag din naman.
"Dalian mo, ah." Tumango lang ako at lumapit sa lolang nag lalakad na at alis na ngayon.
"Saglit lang, Lola! " Tawag ko.
Mukhang hindi ako narinig dahil dire-diretso lang ang lakad nito. Mas binilisan ko ang pagkilos para maabutan siya.
"Lola, saglit po! " Malakas na sigaw ko na siyang dahilan nang mga tao para tignan ako.
Nahiya akong ngumiti at binilisan nalang uli ang pag lalakad para maabutan si Lola.
"Lola! " Sa pag tawag kong 'yon ay tumigil siya at nilingon ako.
Buti naman.
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya. Halos hiningal ako nang makalapit na ako. Nakakapagod 'yon, ah.
"Hija, ano ba 'yon at ako'y tinatawag mo?" Natatawa niyang sabi habang nakatingin sa'kin.
I smiled at her. She looks kind.
"Tinda niyo po ang mga 'to?" Turo sa mga bitbit niyang mga prutas.
Sobrang dami ng mga 'yon kaya sigurado akong mabigat 'to dalhin.
YOU ARE READING
She's the Dream (COMPLETED)
Teen FictionLyneth Heavenly Fernandez is a self centered girl who always want to achieve her goals. A girl who will do everything just to make her parents proud of her. She love her self more than anyone else. What if she meet this guy named Axel Ross Collins w...