Chapter 6

9 2 0
                                    

Mabilis natapos ang week na 'yon. Halos araw-araw tumatawag sila kuya sa'kin to ensure kung magiging maayos ba ang pag pasok ko today. Palagi nilang pinapaalala na wag daw ako masyadong ma pressure at mag enjoy lang sa college. Kahit alam kong hindi naman 'yon gano'n kadali.

I need to focus more lalo at may goal ako. Mahirap ang maging bara-bara lang pag college na.

"Good morning. Let's go?" Tumango lang ako kay Ayisha bago ni lock ang pad ko.

First day of class at sigurado ako na puro orientation palang pero nag dala parin ako ng mga gamit ko for taking notes. Maganda na ang ready.

"We can use my car." Winagayway niya ang susi sa kaniyang bagong kotse kaya natawa akong umiling.

"Hind mo pa birthday pero nakapag pabili kana. Ang lakas mo talaga sa parents mo, ah." Ani ko at pumasok na sa kotse niya.

"Baka Ayisha 'to! " Kumindat siya at nag flip pa ng buhok kaya natawa nalang uli ako.

Nasa byahe na kami nang naalala ko si kuya Liam.

"Kuya Liam bought a new car also-- Aray! Dahan dahan naman." Reklamo ko nang muntik na akong mauntog sa dash board.

Bigla kasi 'tong nag preno kana muntik na akong tumilapon. Kung hindi siguro ako naka seatbelt, siguradong sabog ang ulo ko.

"Wag ka kasing nang-gugulat! " She hissed.

Hindi ko maiintindihan kong saan banda doon ang nakakagulat. Ang mukha niya ay nabahiran pa ng galit. Ano bang problema ng isang 'to sa kuya ko?

"Aba! Kasalanan ko pa ngayon? Tska anong nanggugulat e, sinabi ko lang naman na--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang pinigil niya ako gamit ang kaniyang kamay.

Tinabig ko 'yon at humalukipkip nalang dahil hindi ko maiintindihan ang punto niya. Ano bang problema niya sa kuya ko? As far as i remember okay naman sila. Nitong nakaraang araw lang talaga sila ganiyan. Mukhang may pinag aawayan.

"Oo na. Kasalanan ko na. Okay? Wag kana lang mag talk."

I hissed. "Ang gulo mo. Parehas lang kayo ni kuya--" Sa pangatlong pag kakataon ay pinutol niya ako sa sasabihin ko.

Winagayway niya ang kanang kamay niya para pigilan ako.

"Wag na mag talk, please.."  Stress niyang saad. Umirap nalang ako sa sobrang pag kainis.

Hindi na nga ako nag salita pagkatapos nun at kahit k'wento siya ng k'wento sa nangyari nung bumili sila ng kotse ay tahimik lang ako. Nag kunwari nalang akong nakikinig. Tango at ngiti lang ginawa ko mag damag para naman kahit paano ay may reaksyon ako sa sinasabi niya.

Nang makarating na kami sa school ay namangha kami pareho. Ang laki ng university na 'to. Hindi na nakakapagtataka dahil kabilang 'to sa wold ranking for universities at nasa top 5. Nakakamangha ang ibat ibang klase ng materyales na ginamit. Hindi mo agad aakalain na isa 'tong paaralan.

"Mukhang mapapa laban tayo dito." Aniya kaya napalingon ako sa tinitignan niya.

Ang daming estudyante sa iba't ibang sulok ng school. Ngayong first day ay madami na paano nalang pag regular classes na. Sigurado kasi akong tinatamad pa and ilan na pumasok dahil puro orientation palang.

Habang tinitignan ang mga nasa malayo ay napapa iling nalang ako. Hindi talaga nawawala sa isang university ang mga "ohh so called, Famous and heartrobs"

Kahit sa high school ay ganito. May mga pasikat na feeling artista ang pangit naman. Lalo na 'yong mga mayayabang purket may kaya sa buhay. Ang cheap ng mga gano'n hindi nila kinaunlad pero patuloy nilang ginagawa.

She's the Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now