Two

7.7K 262 114
                                    



"I'll leave the day after tomorrow. Pupunta akong Singapore for a conference. Siguro aabutin ako ng three days. If you need anything, contact your brother and please tell him to come home. He had enough time for himself. Nothing will make me change my mind," Mommy said to me while we're eating breakfast.

Kahit sa hapag, business pa rin ang nasa isip niya. Kung hindi business, si Kuya Noah. Kuya ran away from home months ago. May misunderstanding sila ni Mommy. Hindi na lang ako nangielam dahil baka sa akin ibuntong ni Mommy yung galit niya.

"Yes, Mom." I nodded.

Sanay na ako na laging ako lang ang nandito sa bahay. Not totally alone because we have maids and guards pero hindi ko naman sila nakakakwentuhan kaya minsan pumupunta rito si Alli para raw hindi ako lonely. Well, alone is different from lonely. I have this extrovert side na pinapakita ko kay Alli pati na rin sa nakakasama namin sa plantation but I also have this introvert side kung saan kahit buong araw akong walang kasama, nagbabasa lang ng libro, ayos na. So wala akong problema kung mag-isa ba ako o hindi. I am alone but definitely not lonely.

Pumasok ako sa sasakyan ko at nagseatbelt. Chineck ko rin ang mga mirrors kung maayos ba ang pwesto bago ko binuhay ang makina. I am already 17 years old that's why I have my own non-professional driver's license. Pinipilit ni Mommy na bigyan ako ng driver but I want to drive on my own. I want to be independent.

Bago ako magsimulang magmaneho ay chineck ko rin ang cellphone ko kung may message ba roon si Kai at nakitang meron nga.

From: Kai
On my way to school. See you there.

To: Kai
Same! See you <3

Binaba ko na ang cellphone ko at nagpatugtog na gamit ang stereo. Habang nagmamaneho ay sumasabay-sabay ako sa kanta.

Gustong gusto ko palagi ang nagdadrive mag-isa. I love the feeling of singing my heart out without anyone listening. I love the feeling of being responsible of my own life. Alam ko na onting pagkakamali ko lang, maaari akong madisgrasiya kaya nasa kamay ko ang buhay ko.

Pagdating ko sa parking lot ng campus ay nakita ko ang nag-aabang na si Kairo, suot ang white polo na may dark blue linings sa kwelyo at manggas. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa kotse ko. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kanya.

"Good morning," he greeted.

"Good morning!" masayang bati ko.

Bago ako tuluyang makalapit ay binuksan niya ang backseat ng sasakyan niya. May kinuha siya roon at nagulat ako nang makita kung ano iyon. It's a small bouquet of red roses. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.

"Kai.." I said in awe.

"For you, beautiful," he said while walking towards me.

Pinroseso ko sa utak ko kung ano bang meron sa araw na 'to. Hindi naman Valentine's, hindi rin araw kung kailan kami unang nagkita, at hindi ko rin naman birthday.

Inabot niya sa akin ang bouquet at tinanggap ko naman iyon. Pinatakan niya ako ng mabilis na halik sa noo ko.

"Anong meron?" tanong ko habang inaamoy ang mga rose.

"Dapat ba may okasyon bago ka bigyan ng flowers?" he said sarcastically.

Agad akong kinilig sa sinabi niya. Sa loob ng apat na buwan, pinatunayan sa akin ni Kairo na hindi ako nagkamali ng hinangaan. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa ganitong klase ng lalaki?

Habang naglalakad kami sa hallway ay nagtitinginan sa amin ang mga estudyante dahil maliban sa kilala si Kai, agaw pansin din ang bulaklak na hawak ko. Medyo nahihiya ako sa sitwasyon namin pero si Kairo ay mukhang sanay na sa atensyon. He's just walking beside me then greeting some of his friends.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon