Fourteen

3.4K 162 236
                                    


Inabot ako ng gabi sa loob ng studio nila nang nakatayo lang. I felt like anytime ay susukuan na ako ng paa ko. Mabuti na lang ay nakaflats lang ako but still, nakakapagod tumayo nang ilang oras.

Pinagmamasdan ko lang si Kai at Venice habang nagpopose sila sa unahan. Tuloy-tuloy lang ang flash habang sila ay galaw nang galaw para humanap ng magagandang anggulo.

Umalis na kanina ang nanay ni Kai bago pa man magsimula ang pagpose nila kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. She really scared the shit out of me. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina. May connect kaya iyon kung bakit hindi pa rin ako tinatanong ni Kai?

Sa sobrang ngalay ko ay naglakad-lakad ako sa loob at kinuhaan ng pictures si Kai. I want to take the behind the scenes so I will have remembrance. Nakita kong napatingin sa akin si Venice kaya inangat ko ang cellphone ko at kinunan din siya. She smiled at me before looking back to the actual camera.

"Hoy! Bawal 'yan!"

Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Agad akong nagpanic nang makita kong sa akin siya nakaturo. Sa lakas ng boses niya ay napatingin din ang iba sa akin. She walked towards me kaya agad kong tinago ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko.

"Are you an authorized person?" maldita niyang tanong.

"N-No po." I stuttered.

"Hindi naman pala e! Then why are you taking pictures here? Who are you anyway? Idelete mo yung mga kinuha mo!" sigaw niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang nanginginig ang kamay kong hinuhugot ang cellphone sa bulsa ko. Pag-open ko ng phone ko ay agad niya iyong hinablot sa akin.

"Hey! What's happening here?" tanong ni Kai sabay pagitna sa aming dalawa nung babae.

"She was taking photos! Paano na lang kung hindi ko nakita? Pare-pareho kaming malalagot kay Madam kapag nagleak iyan!" galit na explain ng babae habang kinakalikot pa rin ang phone ko.

Hinablot ni Kai sa kaniya iyon kaya tinignan niya nang masama si Kai. From the way she treats him, I can say na masyadong mataas ang pwesto niya para hindi matakot kahit sa anak ng may-ari ng kompaniya.

"I know her. She won't do that. Calm down." Kai told her.

Pinunasan ko ulit ang mga luha sa mata ko. This is one of the moments that I want to slap my self for being a cry-baby. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin at mas lalo lang akong nagiging mukhang kawawa dahil lang sa umiiyak ako. Napakabilis tumulo ng mga luha ko!

"She better not be!" banta niya sa akin bago tumalikod at bumalik sa kung nasaan ang pwesto niya.

Humarap sa akin si Kai at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"I have a driver waiting in my car. I think it's better if you go home now." Kai said.

Tumango na lang ako at naglakad na papuntang elevator. Nang makarating sa parking lot ay sumakay na ako sa sasakyan ni Kai at nagpahatid na sa bahay. Pagdating ay hindi na ako nakapaghapunan sa sobrang pagod. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at natulog na.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sobrang gutom. Naligo muna ako bago bumaba dahil hindi ko na rin nagawang magpalit kagabi. I did my usual routine, breakfast then go to clubhouse para sa practice. Pagdating ko roon ay wala pa si Kai pero nandoon na si Theo at yung choreo.

"Good morning." I greeted them.

"Good morning." they greeted back.

Naka-upo lang si Theo sa sahig habang nakapansak ang isang earphone sa tenga.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon