Eighteen

3.7K 186 265
                                    


"Wait, what?"

I giggled at Kuya Noah's reaction. He leaned on the table. I nodded at him, smiling.

"Woah. It's a win-win, I guess. Javier and Salcedo's partnership will boost up as well as your relationship." he said. "Congrats."

"I guess so." I giggled. "Kayo ni Tania? Kumusta kayo?"

He pursed his lips then sighed. "What do you mean kami ni Tania?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kayo? Relationship niyo? Nagkita na ba ulit kayo since New Year?"

He chuckled then shook his head. "Walang kami ni Tania, Oli. Saan mo naman nakuha iyang iniisip mo?"

Napanganga ako. Wala? I thought nagkamabutihan na sila while nasa Canada kami? They looked so close there. Or mali lang talaga ako ng intindi sa actions nila? Maybe they're just friends?

"Really? I thought nagkabalikan kayo? Or mas better na term, nagkadevelopan na nang tuluyan." I wiggled my eyebrows to tease him.

"Nagkamabutihan lang as friends, Oli. Para namang hindi mo kilala kung sino talaga ang gusto ko." he sipped on his coffee.

"Oh." I said.

"Nagkakausap kami ni Tania since umuwi tayo dito sa Pilipinas but that's just it."

"Baka naman para sa'yo wala lang pero sa kaniya iba pala, Kuya?"

He looked away then sighed. He knew I have a point. Base sa arrangement nila dati, nakitaan ko na ng interest si Tania kay Kuya at ngayon na nagkita sila ulit, kitang-kita pa rin iyon sa mga mata niya. I thought ganon din si Kuya but he made it clear to me na kaibigan lang ang tingin niya rito.

"Hindi naman siguro." he answered then sipped on his coffee again.

Hindi ko na pinush ang topic namin dahil mukhang hindi siya kumportable rito. Pinag-usapan lang namin ang ibang update tungkol sa buhay namin at pagkatapos ay hinatid niya na ako pauwi. Hindi na siya bumaba ng sasakyan, nagdrive na siya agad pauwi.

Bago pumasok ng gate ay napansin ko ang isang white SUV na nakapark sa harap ng bahay namin. My heart jumped. Theo's here?

Agad akong nagmadali pumasok sa loob ng bahay. Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Theo at Mommy sa sala na naka-upo at nag-uusap. They both looked me with smile on their faces. I bit my lower lip to stop myself from grinning too much.

Tumitig ako kay Theo and he stared at me as well. Maigsi lang ang tinakbo ko mula sa gate pero pakiramdam ko sumali ako sa marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He's still wearing his school uniform. Maaga ang dismissal niya kanina pero hindi kami nagsabay umuwi dahil si Kuya ang nagsundo sa akin.

"Sweetheart, there you are. Come, take a sit." Mommy said then pat the space beside her.

Yumuko ako nang kaunti at inilayo ang tingin kay Theo habang lumalapit sa kanila. Nahagip ng tingin ko ang pagyuko niya rin at pagkagat ng ibabang labi para itago ang ngiti. Nang maka-upo ako ay ibinaling ko ulit ang tingin kay Theo. He's now staring at me directly while smiling.

"You're just in time. Theo just came here para iinform ako about sa relationship niyo. Liligawan ka raw niya. Though hindi na naman na kailangan since engaged na kayo but I am so happy. I am happy na nirerespeto niyo ang desisyon ko and at the same time masaya ako dahil masaya kayo." Mommy said while caressing my hair. "Of course, I give you my blessings."

Napanganga ako sa sinabi ni Mommy. Theo did that? He really talked to Mommy kahit na wala ako? Hindi siya natakot? I mean, hindi naman nakakatakot si Mommy but she's still my mother. I saw in movies and novels how guys got scared when they were about to face the gal's parents. Tapos si Theo hinarap niya si Mommy nang mag-isa?

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon