Six

4.5K 195 220
                                    


"I'm sorry."

Patuloy ang paghagod ni Alli sa likod ko. Nakayuko lang ako sa mesa sa park ng school habang umiiyak. Walang prof para sa subject namin ngayong oras kaya nandito kami. Walang ibang tao maliban sa amin.

"Malay ko ba na makikita iyon ni Kairo? Atsaka, napaka-attitude niya naman. Dahil lang doon hindi ka na niya kinausap nang buong weekend. Wala nga siyang ebidensiya na nakita, samantalang ikaw kitang-kita ng dalawang mata mo yung ginawa niya." inis na sabi ni Alli.

"That's not the point, Alli. My point is hindi kami nag-usap nang dalawang araw dahil lang sa Theo na yon! You should've made me avoid him instead of pushing me to him! Alam mo naman na may Kairo na ako e!" pagmamaktol ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa braso.

"Ano? Wala akong naintindihan sa sinabi mo. Rawr rawr rawr lang rinig ko."

Iritado akong tumingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin lang sa akin. Umiyak lang ako ulit. Ayokong ulitin sinabi ko, nakakapagod.

"Kahit kaninang umaga, hindi siya nagmessage sa'yo?" tanong niya.

"Hindi." iling ko.

Siya naman yumuko sa lamesa. Bumuntong hininga siya nang malakas at sumandal ulit sa upuan niya nang maayos.

"Nananakit ulo ko sa inyong dalawa. Ang liit-liit na bagay, pinapalaki. Akala mo magjowa kung mag-away!" ginulo niya ang buhok niya.

Kailangan ba ng label para masaktan at mag-away?

"Hiyang-hiya naman ako sa'yo." I said then pouted.

"Ay hala siya oh, sumasagot pa." inirapan niya ako.

Napatingin ako sa kanan namin nang makita ang lalaking papalapit sa amin. I groaned.

"Oh, ayan pang isa." natatawang sabi ni Alli.

Agad kong pinunasan ang mukha ko at inayos ang bag ko sa balikat ko bago pa makalapit sa pwesto namin si Vinson. Tumayo ako at naglakad palayo sa lamesa. Isa sa pinagseselosan ni Kai si Vinson kaya kapag nalaman niya na magkasama na naman kami maliban sa klase, dagdag away na naman. Hindi pa nga tapos ang isa, may panibago na naman.

"Hoy! Saan ka pupunta? Wait for me!" sigaw ni Alli pero hindi ko na siya inintay.

Dire-diretso lang ang lakad ko habang nakayuko. Pagtitinginan lang ako ng mga students kapag nakita nilang namamaga ang mga mata ko. Sinundan ko lang ang sementong daanan hanggang sa makita ang pamilyar na circular stone path. Inangat ko ang ulo ko at nakitang papunta iyon sa college building. Hindi naman bawal pumunta rito basta estudyante ng university kaya dumiretso ako ng lakad.

Dumiretso ako sa sarili nilang park at nung nakita na walang tao roon ay umupo ako sa isa sa mga lamesa. Mas maraming puno rito kaya mas malilim kesa sa park ng senior high. Tumunganga lang ako sa mga puno.

I tried contacting Kai for the last two days pero hindi niya ako sinasagot. Sinubukan ko ring sabihin na sabay na kaming pumasok ngayon pero hindi niya pa rin ako nireplyan. Sinubukan kong antayin siya sa hallway pero ang sabi ng kaklase niya, maaga raw siyang pumasok. Hindi ko na napuntahan sa classroom niya kasi nagring na yung bell. He's really hurt, I guess.

Kai is a very jealous man. He don't want any guy being too friendly with me if he's not around or if he doesn't know him. Naiintindihan ko naman 'yon. Lahat ng nagkakagusto at nagmamahal, nagseselos. Sino naman ako para hindi sundin ang simpleng bagay na 'yon? He's giving me anything I want. He's treating me the way any girl wanted to be treated. Kung bakit ba naman kasi nakasalubong ko pa si Theo noong araw na 'yon ay hindi ko alam.

At kung bakit pa ako pumunta rito sa park na ito ay mas lalong hindi ko alam!

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Theo na papasok ng park mag-isa. He's wearing a college uniform with dslr camera hanging from his neck and black backpack on his back. Paupo na dapat siya sa isang lamesa nang mapatingin siya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon