Twenty-Two

3.5K 158 604
                                    

Trigger warning: Suicide. Death. Foul words.

Slap. She slapped me hard.

"Binalaan na kita! I made myself clear to you! Sinabi ko sa'yo ang maaaring mangyari kapag nalaman ni Kai ang relasyon mo sa Javier na 'yon and yet you managed to take tons of sweet pictures with him in a party?! Nasaan ba ang utak mo ha? Hindi mo man lang ba naisip na makikita niya iyon sa social media?! You are a Salcedo and that guy is a Javier for goodness' sake!" Mrs. Gutierrez shouted... screamed... I don't know what to call it.

Nakayuko lang ako at nakahawak sa pisngi ko habang umiiyak. Ayokong sumagot. Ayokong sumagot dahil wala rin naman ako talagang masasabi. Lahat ng palusot o dahilan na pwede kong sabihin ay nawala na parang bula noong nalaman ko ang ginawa ni Theo.

Doble, triple... hindi ko alam kung paano idedescribe ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko si Theo. The only light I have in this dark times turns out to be the reason why there is dark present.

Kai slit his wrist open. He saw pictures of me and Theo in the party earlier. I can remember poses like him kissing my cheeks and hugging me and so on. Nawala na sa isip ko si Kai kanina dahil sobrang saya ko. Nawala na sa isip ko na pinapagamit na nga pala siya ng social media. Lahat ng pictures namin ni Theo sa accounts ko pati sa mga kaibigan namin ay nakaprivate na para kay Kai. Hindi ko man lang naisip na baka may magpost ng pictures kanina na friends niya.

"I swear to you, I will make your life a living hell if he did not survive this!" she shouted once more, mascara all over face.

We waited for hours, dreading hours, before the doctor went out of the operating room. Mabilis kaming tumayo ng nanay ni Kai para lumapit sa doctor.

"His vital signs are now stable. Mabuti na lang ho at naisugod niyo siya kaagad. Kinailangan namin siyang salinan ng dugo dahil marami ang nawala sa kaniya but like I said, he is now safe. Ililipat na lang ho siya sa room niya then you can see him. If you'll excuse me," dire-diretsong paliwanag ng doctor.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang balita mula sa doctor. Nang mailipat na si Kai sa room niya ay dumiretso kami roon. Nagulat nga lang ako nang harangin ako ng nanay niya.

"Get out. You are not welcome here. Wala siya rito kung hindi dahil sa kapabayaan mo. Get the fuck out!" she shouted angrily.

"Ma'am, plea—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil sinarado niya na ang pintuan ng kwarto. Buong gabi akong umiiyak habang naka-upo sa loob ng kotse ko. Gusto kong makita si Kai. Gusto kong malaman na ayos lang talaga siya pero kahit anong gawin ko ay ayaw akong papasukin ng nanay niya.

Tunog nang tunog rin ang cellphone ko pero hindi ko iyon pinansin. Madaling-araw ay nagising ako. Nasa parking lot pa rin ako, sa loob ng sasakyan ko. Chineck ko ang cellphone ko at nakita ang sobrang daming calls and text messages galing kay Mommy, Kuya Noah, Millane, at Theo. Binalik ko na lang iyon sa shotgun seat at pinatong ang ulo ko sa steering wheel.

Sobrang sakit ng mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit ng puso ko. Lahat masakit.

Inalala ko ang mga nangyari kagabi at hindi pa rin ako makapaniwala. A man almost died because of my carelessness. Not just any ordinary man, a man I've known since I was 15 years old. Pero mas hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Theo.

He tricked me.

Before we went to Canada, okay kami ni Kai. Maayos relasyon namin. Nagsimula lang itong gumulo noong umuwi na ako dahil sa engagement namin ni Theo. Ilang buwan kong tiniis ang mga galit at panlalamig sa akin ni Kai dahil iniisip ko, sa huli worth it naman kapag naayos na ni Theo yung problema namin. Or at least, just my problem dahil hindi naman talaga iyon problema sa kaniya. Tania said matagal niya na akong gusto at nakukwento niya pa ako sa magulang nila kaya pinush yung arrange marriage. But you know what hurts the most?

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon