Twenty-Four

3.7K 162 217
                                    


I didn't care much about being alone inside the house now. This time, for real. Kung wala ako sa bahay, nasa mall ako mag-isa or SWI. Mommy was trying her best para hayaan ako at huwag masyadong maging paranoid. Etong si Kuya Noah lang talaga ang hindi mapakali.

Madalas pa rin siyang pumupunta sa bahay lalo na kapag alam niyang wala si Millane. As much as I want to tell him na huwag niya na akong intindihin, ayoko namang tumigil siya sa pagbisita sa akin dahil alam ko na siya naman ang nangangailangan talaga ng kausap.

"Temporary lang kuya. Sa Luxermbourg pa rin siya magtatrabaho. That's why you still need to visit me, okay?" sabi ko kay Kuya nang makita niya kami ni Alli sa labas ng bahay.

Pabalik-balik siya sa bahay kahit na alam kong may trabaho rin siya. Gustuhin ko man na siya ang bisitahin sa bahay niya, mas pinipili niya na siya na ang dumalaw. The only thing I can do for him was to listen and if I can give advices, then I will.

"Kumusta raw sila ni Tania?" Alli asked while we were in my room, catching up.

Eventually, Kuya and Tania became a couple. I would rather not go into details. Basta ang alam ko lang, dahil sa relasyon nila kaya nagkasundo na naman ang Salcedo at Javier. That doesn't mean na nagkita kami ulit ni Theo.

I sighed, remembering him. Sa tuwing bumabalik si Mommy at Kuya sa Canada ay hindi ako sumasama. Mas pinipili kong asikasuhin ang SWI o hindi kaya ay gawin ang mga hobbies ko. Tanda ko pa ang huling pagkikita namin. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na maayos naman kaming nagkahiwalay. Nakapagpaalamanan kami. Nagkayakapan kami. I gave him a smile. Maayos.

Paulit-ulit kong pinapaniwala ang sarili ko sa ganoon dahil alam ko na sa oras na isipin kong grabe ko siyang nasaktan noon, masasaktan na naman ako. I'm done with that.

I'm sure he's also done with that as well, with me.

I closed my eyes briefly and inhaled deeply before covering myself with blanket. Katabi ko si Alli sa kama ko. Masyado na kaming maraming napagkwentuhan simula pagdating niya. Nakatitig na lang kami ngayon sa ceiling. I saw her looked at me from my peripheral view kaya lumingon din ako sa kaniya.

"Anong gagawin mo kapag nagkita kayo?" she asked.

Napatigil ako. Inilayo ko ang tingin sa kaniya at tumitig na lang ulit sa ceiling. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Matagal bago ako nakasagot dahil kahit ako ay hindi ko rin alam.

Naexcite ako noong nalaman ko na uuwi na siya, oo, pero beyond that feeling ay hindi ko na alam. Masyado nang maraming nangyari sa loob ng apat na taon. I am a different person now and I am sure he is, too. Naexcite lang siguro ako dahil isa siya sa mga importanteng tao sa nakaraan ko. Matagal na kaming hindi nagkikita at gusto ko lang malaman kung maayos ba ang kalagayan niya.

"Kukumustahin siya?" I shrugged. "Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya, kung masaya siya."

"And then?"

"That's it."

"Ha? Apat na taon kayong hindi nagkita, iyon lang ang gagawin mo?" nilayo pa ni Alli ang ulo niya sa akin na para bang hindi talaga siya makapaniwala.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Kagaya ng sabi mo, apat na taon na kaming hindi nagkita. Paniguradong marami nang nagbago sa amin," I replied.

"Sa kaniya, maybe. Eh sa'yo? Yung nararamdaman mo? May nagbago ba?" she asked seriously.

I remained looking at the ceiling. "Oo naman," I whispered.

"Yung paggising mo sa akin nang madaling araw para kumpirmahin na uuwi talaga siya, that is the girl who lost her feelings for him?" she scoffed.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon