Mingyu's POV
Busy ako sa pagtakbo at pakikinig sa music ng may bigla akong mabangga. Funny , because we were both shocked.
I blinked twice and he did too also.
"Ikaw ?!? "
" Ikaw ?!?!"Natawa ako bigla kasi sabay pa kami.
" Oo ako nga , nagkita na naman tayo " he said.
" Sinusundan mo siguro ako ? " Biro ko habang naglalakad kami para umupo sa swing.He looked at me , with a questioning face sabay pumalatak.
" Wow , grabe. Pogi ka pero makapal mukha mo no ? ".
" Pogi ako , oo. Pero hindi makapal mukha ko "
Bumubulong siya habang umuupo after ko sabihin 'yon.
" May sinasabi ka? " Asar ko.
" De wala " tanggi niya.
A moment of silence.
" Saang street ka ?" I asked.
" Ah ,sa may Kalachuchi street lang, ikaw ba? " he replied casually.
" Ah doon din " sagot ko.
Maya maya , bigla niya akong hinampas . I reacted like I'm hurt but I'm just kidding tho.
" Hala gago ?? Weh ? Ano kulay bahay niyo ? " Excited niyang tanong.
" Ayoko, baka nakawan mo ako, char. Kulay light gray labas tas black yung gate. "
" HOYYY , KATAPAT NA BAHAY LANG KITA ? BAKIT HINDI KITA NAKIKITA ?" sabi niya habang nakatayo pa sa harap ko.
Grabe ang aga pa , para maging ganto siya kahyper , nawala antok ko roon ah.
" Ay kayo yung orange yung labas akala ko kapitbahay ko si Cynthia Villar e "
" Oo , pero bakit ? " Curios niyang tanong.
" Mukhang camella " I joked
" K po. Hmp "
" Ano pangalan mo ? " I asked.
" Ah , Seungkwan Boo but you can call me Boo or Seungkwan " he said while offering his right hands for shake hands.
" Mingyu Kim but you can call me Minggoy or Gyu " I held his right hands for a shake hands.
" Friends ? "
He nodded and said " Friends "We both smiled.
" Saya mo kausap ha " I compliment him.
" Ikaw rin , baka want mo maging text mate para kapag malungkot ka jogging tayo tas ganto lang usap lang " he offered." Oks sure "
" TAHOOOO !! BILI NA KAYO NG TAHOOOO"
" MANG NESTOR !!" Sabay na naman naming sigaw.
" Oh , magkaibigan na kayo ? ABA ! ayos ah , Minggoy pumopogi ka ha at ikaw Ponkan blooming ka " sabi ni Mang Nestor.
" Mang Nestor at , Seungkwan kasi po. Pero 20 pesos po tas Isang 10 iuuwi ko sa kaibigan ko " sabi ni Seungkwan.
" Eto si mang Nestor , ako lang ito ha , biro lang po , ako Isang 20 rin po pakiramihan ng sago at arnival " sagot ko naman.
Naibigay na Ang taho samin.
" Salamat mga gwapo kong Suki " pasasalamat ni mang Nestor sabay ngumiti lang kami sa kanya at upo ulit sa swing.
" Ponkan pala " biro ko.
Napatigil siya sa pag-inom ng taho sabay irap " ge , uwi na ako" Sabi niya.
Nagulat ako.
" Hala joke lang e , agad ka uuwi? Sabay na tayo. " Sinundan ko naman siya sabay sinabayan sa lakad.
" Oo uuwi na ako, lalamig taho ng kaibigan ko " sabi niya.
Nagkibit balikat na lang ako. Wala pang ilang minuto. We both stopped.
" Dito na bahay ko , thank you for today. And Goodmorning Mingyu. I enjoy your company , sobra " he thanked me with a genuine smile.
" Ako rin , salamat ha. " I thanked him too and smile , before we part ways.