sipag

1 0 0
                                    

Jana's POV

Pagkalabas ko ng Bahay , nagpunta ako sa park ng village at umupo sa swing.
Ramdam ko yung pagod at sakit ng katawan. Putangina.

Napabuntong hininga ako sabay tumingala sa langit habang tinitigan ang kalangitan na puno ng bituin. Unti unti kong iniaangat ang aking braso pero sobrang sakit. Hindi lang naman isang beses nangyari ito, simula nung mag-College ako nangyari 'to. Tumigil ng nalaman nila Tita pero ngayon nangyayari ulit.

Hindi ko maintindihan bakit nila ginagawa 'yon? Nakakasawa na. Muli kong tinitigan ang karagatan ng bituin.

"What  it feels like to be one of the stars? Hmmm, maybe there's no pain at kahit papaano titingalain ka dahil nagniningning ka sa paningin nila." Sabi ko sa sarili ko.

" Hmm, may point ka. But what it feels like to get out of the cage ng nagpapahiram sa'yo?" Someone said at the back. And it turns out Miles holding a cookies and cream Ice cream.

" Ano ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kawalan.

" Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Ateng anong oras na alas dose na ng hating gabi. Binabato ko bintana ng kwarto mo pero wala ka" sabi niya habang umuupo sa swing.

" Wala nagpapahangin lang hehe saka nagiisip Isip"  palusot ko.

" Nagiisip Isip pero may dalang bag?"

" Oo bakit ba , kanya kanyang trip yan, saka naisip ko na after ng CDC manalo o matalo sasagutin ko na si Aquilla" kaswal kong saad. Nagulat ako ng bigla akong alugin ni Miles halatang kinikilig.

" Oh my Goodness!! Thank you Lord, sasagutan na ng pinsan ko si Aquilla!!" Masaya niyang sabi, naiiling na ako sa inaasta niya.

" Miles, kumalma ka nga. Huwag ka rin maingay ha. Secret lang natin muna." I said.

" Promise" he promised habang nakataas pa yung kanang kamay.

" Sige, tara uwi na tayo, patulog ulit hehe"

" Okay, Tara na."  Aya niya at umuwi na nga kami para magpahinga.

hekavaiaWhere stories live. Discover now