hakwna

1 0 0
                                    

Joshua's POV

Nandito kami ngayon sa room dahil lunchbreak at naiwan lang kami ni Cheol dahil si Jeonghan yung namimili ng lunch namin. Syempre talo siya sa bato-bato pik.

"Shua,Lapit na Birthday mo ah?" Biglaang tanong ni Seungcheol. Napatitig ako sa kanya.

"Really? Nakalimutan ko na" Sabi ko sa kanya. Pero yung totoo ayaw ko na lang isipin para saan? Ako lang naman mag-isang nagcecelebrate simula nung umalis sila mama kasama yung step-dad ko.

"Jusko,Saan mo gusto mag-celebrate non?" Excited na tanong ni Cheol. Nang biglang dumating si Jeonghan dala dala yung pagkain.

"Alin? Anong celebrate? Kayo ha susurprise niyo pala ako ha. Enebe" Biro ni Jeonghan habang binibigay ang siomai rice samin. Natawa na lang ako,Jeonghan talaga.

"Gago" iling na sabi ni Cheol.

"Luh,Biro lang e" bawing sabi ni Jeonghan.

" Birthday ni Shua,ano ka ba? Gusto panay ikaw bida?" Pabarang sabi ni Cheol.

"Totoo ba? Saan tayo non Shua? Gusto mo sa EK or kaya sundan natin sila Tita doon?" Excited na tanong ni Jeonghan.

" Mag-aabala pa kayo,huwag na. Busy na rin kayo non at magbabagong taon" Tanggi kong sagot.

"Ikaw bahala,Basta text mo lang kami one call away kami" Sabi ni Cheol.

"oo ba" sabi ko na lang sabay inom ng buko juice.

"Aasahan namin yan ah" paninigurado ni Jeonghan.

Naiiling na lang kami ni Cheol at sabay saving "Huwag ka umasa,masasaktan ka lang tanga."

At doon natawa na kaming lahat at sinulit ang pagkain bago magsimula ang klase.

hekavaiaWhere stories live. Discover now