15 - First Love

294 11 6
                                        

"Miss, ako po 'yong Mother ni Louisa Jimenez." Hinihingal na wika ni Patience sa nurse pagkarating sa hospital. Nasa likod niya si Luke at nakasunod lamang sa kanya.

"Sandali lang po ma'am. I-check ko lang po." Yumuko ang nurse at tiningnan ang mga chart sa gilid. "Sa room 204 po ma'am," wika ng nurse.

"Thank you." Dali-daling tumakbo silang dalawa sa elevator papunta sa second floor.

Hindi alam ni Patience kung ano ang iisipin. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung anong nangyari sa anak niya. When she got the call, all she understood, is that her daughter is in the hospital dahil sa patuloy na pag-iyak ng yaya nito.

Nanginginig na hinawakan ni Patience ang door knob, but she was unable to open it. Naramdaman niya nalang ang kamay ni Luke ibabaw ng kamay niya at tinulungan siya nitong buksan ang pintuan. "It's gonna be okay, sunshine." He reassured her, bago tuluyan na silang nakapasok.

"Mommy!" Masayang sigaw ni Louisa.

Tumakbo si Patience sa anak at niyakap ng mahigpit. "Thank God you're okay baby. Nag-alala ako sayo." Naluluhang wika niya.

"I'm okay Mommy. Hi tito Luke!" Bati nito.

"Hi Doll. How are you?" He asked.

Louisa raised her hand to form a thumbs up to Luke. "Mommy why are you crying?" Tanong nito.

"I'm just happy you're okay baby." Hinaplos ni Patience ang buhok ng anak bago humarap sa yaya at doon niya napansin na andoon rin si Tina.

"Hi! Buti naman nakita mo rin ako. Hi Luke!" Bati ni Tina sa kanila.

Ngumiti si Luke kay Tina. Samantalang si Patience ay nakasimangot lang. "Celia, what happened?" galit nitong tanong sa yaya.

"Ma'am s… si Louisa po kasi na… naglalaro sa playground tapos tinulak ng ka… kalaro tutumama p… po 'yong ulo sa bakal." Nanginginig na wika ng yaya.

"What? Ano ba'ng ginagawa mo no'ng oras na 'yon. Kaya kita binabayaran para mag-alaga ng anak ko, para hindi siya mapahamak." Galit na wika ni Patience.

"Kalma ka lang Patty, wag mo pagagalitan 'yong yaya hindi naman niya kasalanan, isa pa hindi naman malala ang nangyari kay Louisa. Not even a concussion. OA lang talaga 'yang yaya mo. Dinala agad sa hospital. Nakausap ko ang doctor, bukas na bukas din pwede na umuwi si Louisa." Paliwanag ni Tina.

Medyo naaawa na siya sa yaya ng anak niya. Mas mukha pang haggard at takot na takot kaysa sa kanya. Kasama na niya ito for almost 2 years. She relaxed herself, para kumalma at hindi magpadala sa galit. "Magpahinga ka nalang muna Celia. Ako na ang bahala kay Louisa, bumalik ka nalang bukas dito at dalhan mo ng damit si Louisa." utos ni Patience sa yaya.

Tumango si Celia bago lumabas ng kwarto.

Humarap si Patience kay Luke. "Maraming salamat sa pagsama mo Luke. I'm sorry naabala pa kita." Paumanhin niya.

"No, It's okay. I'm just glad that Louisa's okay." wika nito.

"Tara na Luke? Sabay na tayo sa lumabas? Kaya na ni Patience 'yan." Yaya ni Tina.

Tumingin si Luke kay Patience na parang nag-aantay na sabihing dito muna siya, but she rather be alone with her daughter. "Yeah, you should both go. It's already 11 pm. Kailangan niyo rin magpahinga." Sagot ni Patience.

"Okay. Rest well baby doll." Lumapit si Luke kay Louisa and kissed her forehead. Saka siya nagpaalam kay Patience. "I didn't even had the chance to dance with you tonight," malungkot na wika nito.

"Maybe next time?" she said.

"Maybe," lumupit siya kay Patience and kissed her cheek. "Good Night, sunshine." Paalam niya at nauna siyang lumabas ng kwarto.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon