16 - Misbehaving

264 10 7
                                    

Pagkatapos ma-discharge ni Louisa sa hospital, Patience decide to take a day off para alagaan ang anak. Her daughter insisted that she's alright, pero mas magaan ang loob niya na makita at makasama ang anak sa buong araw.

"Mommy, where should I put the flowers?" tanong ni Louisa.

Lumingon si Patience sa direksyon ng anak na naka-upo sa dining room, while she's occupied with cooking dinner. "Which one baby?" Hindi niya alam kung anong bulaklak ang tinutukoy nito. There are three sets of flowers in the table. The sun flowers came from Luke, the pink tulips are from Blanca and of course the white roses  are given by Blaze.

"Syempre 'yong kay Tito Blaze. Ang yellow flower doon ito sa sala mommy, while the pink flower ay sa room ko, because I like pink." Paliwanag nito.

"How about here? Sa kusina?" She suggested.

"No mommy. It'll died sooner, because of the heat. Doon nalang kaya sa kwarto mo. Diba you like color white?"

"Ikaw bahala." Inilapag ni Patience ang chicken cordon bleu at ang kanin sa mesa, bago kumuha ng dalawang plate at utensils. "Let's eat," wika niya.

Itinabi ni Louisa ang mga bulaklak, at nagsimula silang kumain.

"Mommy, wala po ba akong lolo at lola?" Biglang tanong ni Louisa.

"Saan mo naman nakuha ang idea na 'yan, Louisa?" Tanong na pabalik ni Patience. Laging ikinukwento ni Patience sa anak ang mga magulang nito. She had little and vague memories of her parents. Parehong namatay ito sa isang car crash noon, 1st year high school siya. Pagkatapos ay pinagpasa-pasahan na lamang siya ng mga kamag-anak nila hanggang mag-eighteen years old siya at tumira na lamang siya mag-isa. She struggled being a working student and supporting herself. She was a school scholar and a continuous dean's lister kaya't hindi siya masyadong nahirapan paaralin ang sarili.

"I've meet Kevin's lolo and lola in school. Ang babait nila, na-inggit ako. I want my lolo and lola mommy," demand ni Louisa.

Hinaplos ni Patience ang anak sa ulo. "Anak, alam mo naman na wala na ang lolo at lola mo. They died, I told you that," sagot niya.

She shook her head in disagreement. "Kevin said he has two lolo's and lola's e, I want my other grandparents mommy!"

Doon pumasok sa isip ni Patience ang ibig sabihin ng anak. Tinutukoy nito ang mga magulang ni Louis. She had only meet them once and that encounter was not a pleasant one.

7 years ago…

"Babe, where are we going?" Tanong ni Patience sa nobyo niya.

Nakasakay sila ngayon sa kotse ni Louis. Going somewhere, she doesn't know where. Medyo kinakabahan siya.

"Home, babe. Where going home." Simpleng sagot ni Louis.

"Hindi ito ang daan papunta sa apartment. Lumipat na pala tayo." Wika ni Patience.

Hindi na muling nagsalita si Louis. Tahimik lamang ang biyahe kung saan man sila papunta. Hindi lang si Patience ang kinakabahan, kundi si Louis din.

Huminto ang kotse sa isang mapakalaking bahay. Pagkapasok sa gate kung saan may dalawang guwardya na nakabantay, isang malaking garden ang bumugad sa kanila at may fountain sa gitna.

"We're here babe." Anunsyon ni Louis.

"Where are we?"

"This is my home. My parents home." Sagot nito.

Mas lalong kinabahan si Patience sa narinig. She is not ready to meet Louis's parents, she's not dressed to meet them. Alam niyang darating ang araw na kailangan din niyang makilala ang mga magulang nito, pero hindi niya akalaing ngayong araw ito mangyayari.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon