Chapter 10
Nathalie's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil marami akong kailangang ayusin sa opisina.
End of the month kasi kaya masyadong busy.
Pagkarating na pagkarating ko sa Medrano building ay napahinto ako ng makita ko ang mga nagkukumpulang mga empleyado sa lobby.
"hay, kay aga aga nagkukumpulan sila. May CCTV naman hindi ba nakikita ng mga matataas ang rango?"
Tsk.
Napailing na lang ako sa nakita ko. Puro nanaman sila tsismis. Hindi ba sila pinapagalitan ni Sir Antipatiko?
Ang unfair yata. Kapag sakin galit na galit pero sa iba mabait. Nasaan ang hustisya doon.
Haay!! Makaalis na nga madami pa akong gagawain.
Habang lulan ako ng elevator ay hindi ko lubos maisip na matitiis ko ang magtrabaho kasama ang antipatiko na yun.
Limang buwan na din mula noong maghiwalay kami ni Jude. Wala na akong balita sa kanya. Kumusta na kaya siya.
****
STEPHEN'S POV
Ngi-ngiti ngiti ako ng mapagmasdan kong papasok na sa lobby si Nathalie. Makakaganti na rin ako sa ginawa niya sakin noon.
Inabot din ako ng ilang buwan bago ako mabigyan ng pagkakataon.
Hah! Kala niya siguro palalampasin ko siya. Kahit babae pa siya wala akong pakialam. Isa pa di naman talaga siya mukhang babae eh. Mukhang mas lalaki pa gumalaw yun sakin.
"Hayan na! Huminto na siya. I can't wait to see her ugly reaction."
Pero nadismaya ako ng lagpasan lang niya ang mga nagkukumpulan at tuloy tuloy na sumakay sa elevator.
"Tsk. Nandoon na eh. Bobo talaga." -dismayadong saad ko.
Since wala namang nangyari. Dumeretso na ako sa table ko at inumpisahang pag-aralan ang mga papeles na sandamak na nakapatong sa table ko.
Maya-maya lang narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
"Good morning, Sir. Coffee, Sir?"-mahinang bati niya sakin.
Nagulat ako sa inasta niya. Dati dati parang siya ang boss kung umasta noon. Anong nakain nito at maganda yata ang araw.
"Yes, coffee. No sugar, please."- sa limang buwan na nagtra-trabaho siya sakin masasabi kong marunong na siyang magtimpla ng kape. Habang tumatagal ay sumasarap ang timpla niya unlike kay Arly dati. Naaadik na din ako sa timpla niya. Hinahanap hanap ko minsan. Hindi ko nga lang masabi sa kanya dahil baka lumaki ang ulo niya at ayoko namang magyabang siya sakin.
"Here's your coffee, Sir."-pinatong niya ang kape sa lamesa ko.
"Thanks."-good mood talaga siya. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang ginawa ko ngayon.
"Ah, Sir."-nilapag niya ang pirasong papel na nakalagay sa sobre.
"What's this??"-nagtatakang tanong ko.
"My resignation letter, Sir."-ahh kaya siya good mood dahil magreresign na siya.
"Why are you resigning?"-sumandal ako sa upuan habang mataman siyang tinitigan.
"My experience is now enough, Sir."-kaswal na sabi niya.
"Why? Are you planning to go abroad for work?"
Umiling siya. "No, Sir. Because I will be the one to run our business."
Hindi na ako nagsalita at tumango tango na lang.
BINABASA MO ANG
The King Air
Teen FictionSi Stephen John Medrano, ay binansagan bilang isang "KING AIR" dahil hinahalintulad siya sa isang hangin na nararamdaman ngunit hindi mo pwedeng hawakan. Ayaw niya sa salitang kasal at pinaka-ayaw niya sa commitment.Sa madaling salita isa siyang pla...