Chapter 8
Nathalie's POV:
*kringg kringg*
"hmmm" tinakpan ko ng unan ang tenga ko.
*kringgg*
"peste kang alarm clock! Kakatulog ko pa lang nagsusumigaw ka na jan!! " sa inis ko ay binato ko ang alarm clock.
Nakita ko pa kung paanong nawasak ito, then suddenly I remember binili ko pa ito sa France. It's my favorate.
"waah!! " patakto akong lumapit kung saan ko binato ang alarm clock ko. "waah, alarm clock don't leave me."
Pinulot ko ang mga nagkahiwahiwalay na katawan niya.
"waaah!! Ang utak mo tumalsik!! " malakas na atungal ko.
"don't worry ipapaayos ko ang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na balibag ng pinto sa kwarto ko.
"ma'am Nathalie bakit po kayo sumisigaw??" tanong sakin ng katulong.
"hmp, wala kang pakialam! Pulutin mo nga ang alarm clock na yan, tumalsik yung utak- este isang finger niya. Ayusin mo" pagtataray ko sa maid.
"ok po, eh ma'am bakit po pala andito pa kayo eh mag-aalas otso na."
huh?
"anong oras na?? Pakiulet."
"mag-aalas otso na po ma'am."
Mag-aalas otso na!! May pasok ako!
"bat di mo ako ginising?!" i hissed.
"eh, ma'am akala ko nakaalarm clock kayo. Di ko naman po alam na binato niyo." sagot niya habang nagkakamot ng ulo.
Okay. It's my fault.
Tumakbo na ako sa bathroom para maghilamos at nagtoothbrush saka kumuha ng damit ko sa cabinet at nagbihis.
"inday where's my bag??"
"ewan ko po ma'am di ko naman po kinuha."
Arggh!! I hate this maid. She's noob.
"ah, ayun" turo ko sa bag ko.
"ya, ayusin mo yan ha?" hindi ko na hintay ang sagot niya.
"ma'am yung damit niyo po.." pahabol na sigaw niya pero di ko na pinansin pa.
Tumakbo ako papunta sa garahe at nagdrive na ng mabilis papuntang opisina.
Haayy, salamat nakarating din. Kinalkal ko ang bag ko para kunin ang pabango. Hello. Di kaya ako naligo kaya pabango ang ipapanligo ko.
Tinignan ko ang oras sa 7:58. 2 minutes na lang!! Dali dali akong tumakbo papasok sa building.
"good morning manung guard!!" bati ko sa kanya habang patuloy sa pagtakbo.
"WAITTTT!!!" sigaw ko at mabilis na hinarang ang kamay ko sa elevator para hindi magsara.
Sa wakas nakahabol din.
Uh! Oh!
Bakit ako pinagtitinginan ng mga to?! At may pabulong bulong pa tapos hahagikgik!!
Hmp if I know inggit lang kayo sa beauty ko, kasi maganda parin ako kahit walang make-up.
Bumaba ang mga kasama kong nakasakay sa elevator nung nasa 5th floor na kami. Ako na lang natira.
BINABASA MO ANG
The King Air
Teen FictionSi Stephen John Medrano, ay binansagan bilang isang "KING AIR" dahil hinahalintulad siya sa isang hangin na nararamdaman ngunit hindi mo pwedeng hawakan. Ayaw niya sa salitang kasal at pinaka-ayaw niya sa commitment.Sa madaling salita isa siyang pla...