Chapter 3
"Excuse me, Miss." Itinigil ko ang pagbubukas ng gate namin at nakangiting humarap sa babaeng tumawag sa akin. "I'm looking for Mrs.Esteban. Dito ba siya nakatira?"
"Bakit niyo po hinahanap ang Mama ko?" Ilang segundo niya pa muna akong tinitigan bago pekeng ngumiti. I've been doing that a lot lately. I know what's real and fake. Hindi niya sinagot ang tanong ko at wala naman din siyang sinabing iba. Ibinigay lang niya ang number niya.
"Tell your Mom to call me as soon as possible." Umalis na siya pagkatapos noon.
Weird.
Pumasok na lang ako sa bahay at inilagay na sa kwarto ni Dale ang ipinabili niya. Utusan talaga ako ng kapatid kong 'yon e. Ang nakakainis 'di ko siya matiis. Naglinis lang ako sandali ng mga kalat sa bahay bago bumalik sa condo. Marami pa akong kailangang gawin.
"Busy ata tayo ngayon." Inakbayan ko si Joshua nang maabutan ko siyang palabas ng school. Ang bilis niya maglakad, hinabol ko pa. "Saan ang lakad mo?"
"Secret. Walang clue. 'Di mo malalaman kahit kailan." Mahina ko siyang tinulak bago inakbayan ulit. Ang lakas ng tama ha. Abnormal talaga. Minsan seryoso siya pero pag trip niya mas malala pa siya sa kakulitan namin ni Cara.
"Bilis na kasi. Saan nga?!" Baka pwede akong sumama sa kaniya.
"May pinasukan akong modeling agency." Tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kaniya. "May photoshoot ako ngayon."
"Talaga?! Uy congrats. Pwede ba akong sumama?" Wala naman kasi akong ibang gagawin ngayon sa bahay at Friday ngayon. Wala namang pasok bukas.
"Ayoko. Bawal."
"Ang damot mo naman. Parang sasamahan lang! Support ba." Buti sana kung nandito si Cara, may iba akong masasamahan. Kaso 'yong bruhildang 'yon may date ngayon. Akala ko pa man din ay iba ang pagkagusto niya ron kay Franco pero nagawa pa ring makipag-date sa iba.
"Mahihiya akong magpa-picture kapag nandoon ka," hinampas ko na lang siya sa braso at inirapan. Bakit naman siya mahihiya sa akin? Hello? Friends kaya kami.
Pero sa bagay, nakakailang nga rin talaga kapag may nakatinggin na kakilala mo habang nagpo-pose ka. Baka matawa pa siya kapag nahuli akong nakatinggin.
"Sige na nga. Hindi na ako sasama. Mamamasyal na lang ako mag-isa!" Deserved ko naman sigurong i-date ang sarili ko. Like, hello? Ang strong ko kaya sa part na hindi ako naghabol kay Primo. Kailangan ko ng award para roon.
"Ihahatid na muna kita sa inyo."
"Aba! Himala! Ang bait mo sa part na 'yan. Pero no thanks. I can go home by myself. I am an independent woman. Malaki na ako. And ano ba? Bingi ka ba? Sinabi ko na ngang mamamasyal ako tapos sa bahay mo ako ihahatid?"
"Tsss," nginiwian niya ang mga sinabi ko kaya inirapan ko siya. "Ang dami mo kaagad nasabi. Pero sige na, baka isipin mong may gusto ako sa 'yo kapag inihatid pa kita."
Kaagad ko siyang hinampas ulit dahil sa sinabi niya. Hindi man lang nga 'yon sumagi sa isip ko! Hindi naman ako gandang-ganda sa sarili ko 'no. Slight lang. Tinawanan lang ako ng loko-lokong 'yon bago siya tuluyang umalis. Kainis.
Nag-commute lang ako papunta sa mall. Hindi ko kasi dala ang motor ko ngayon. Malaki pa naman ang natitirang allowance ko kaya malakas ang loob kong magwaldas. Sa bilihan ng skin care ako dumiretsyo. Kailangan kong maghanda para sa magiging date namin ni Theo. I need to look pretty and fresh. Konti na nga lang ang natira sa allowance dahil doon. Ice cream na lang tuloy ang nabili ko.
Napabuntong-hininga na lang ako bago sumubo ng ice cream habang nakatinggin sa Korean restaurant sa harapan ko. Kainis. Nag-c-crave talaga ako ng korean food. Sana pala ay hindi ko masyadong dinamihan ang bili. Or sana ay inaya ko si Annavel para libre niya ang food namin or uutang muna ako sa kaniya. Bakit ba hindi ko naisip 'yon kanina?
YOU ARE READING
Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)
RomanceIn a world where fame and love intertwine, two celebrities find themselves entangled in a web of past relationships that continue to shape their present. After a long time of living separate lives and pursuing their respective careers, fate brings M...