Chapter 4

55 5 0
                                    

CHAPTER 4

"Ate!" Viviane called me, smiling and waving her hand. I smiled back. Pawis na pawis siya at alam kong pagod pero sobrang energetic pa rin. Naniniwala akong magiging magaling na dancer ang kapatid kong ito.

"Magpalit ka muna ng damit." Sabi ko nang makalapit siya. Inilabas ko na rin ang maliit na towel para punasan ang pawis niya. Tumakbo na siya papasok sa may banyo nang maibigay ko ang damit niya.

Ang cute talaga ng kapatid ko. Maraming nagsasabi na magkamukha raw kami noong bata pa ako kaya naniniwala ako na lalaki rin siyang maganda katulad ko.

"Kapatid mo?" Nagulat ako nang bigla na namang sumulpot si Viel. Bakit ang hilig niyang manggulat? Bakit palagi na lang siyang sumussulpot kung saan-saan? Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko. Umupo siya sa tabi ko bago ako inabutan ng tubig.

"Yeah. She's my sister." Bored kong sagot at kinuha ang ibinibigay niya. I don't have time to argue or flirt with him. Bahala na siguro ang deal namin ni Cara. May mga importante pa akong mas kailangang pagtuunan ng pansin e.

"I watched her. Ang galing niya sumayaw. At such a young age, her dance was so neat and smooth." Sabi niya sa tono na para bang friends kami.

"Thank you for saying that," nakakatuwa na may nagagalingan sa kapatid ko.

"I don't know that she's your sister. Pero kaya pala parang familiar siya, kasi magkapatid pala kayo. Pareho kayo ng mata and lips. She's like your little version."

Hindi ko na siya sinagot. Tumango na lang ako. Mabuti na lang at dumating na rin si Viviane. Finally, makakauwi na kami. I'm really tired na. Tingnan ko muna sandali si Viel at pilit na ngumiti para hindi naman ako magmukhang bastos bago ko ibinalik ang tingin sa kapatid ko.

"Baby let's go."

"Okay baby." Nagkatingginan kami ni Viviane nang tumayo si Viel. Ano raw? Did he just called me baby? Hindi pa masyadong nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari nang biglang ihagis ni Viviane ang plastic bottle na halos hindi ko nabawasan. Hindi ko alam ang gagawin ko nang biglang umiyak si Viviane at hinampas pa si Vil. She's not like this!

"I'm sorry, Kuya Viel," nakakahiya!

Sinamaan ko ng tingin si Viviane na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Kinuha ko ang bag at ang tubigan niya bago kami lumabas.

"Ate, ate!" Umiiyak pa rin niyang tawag sa akin dahil hindi ko siya pinapansin. Inilagay ko lang ang maliit na helmet sa kaniya. I don't want to say something while I'm mad. Especially now, mapapagbuntunan ko lang ng inis ko si Viviane.

Inayos ko ang gamit ko at isasakay na sana siya sa motor nang bigla siyang umupo sa lapag.

"Viviane, ano ba? What are you doing?" I'm trying to calm myself. Bata ang nasa harapan at kausap ko.

"You're mad at me. Hindi mo ako pinapansin." She's still crying and I'm not used to it. Sa lahat ng tantrums niya rito na ata ako pinaka nainis.

"Why do you think I'm mad? Ha? And what do you think you should do?"

Yumuko siya at humibi. "Say sorry."

"Then why are you acting like that? Tumayo ka d'yan, Viviane. Naiinis ako lalo."

Kaagad siyang tumayo dahil sa sinabi ko.

"Why are you acting like a brat? Anong kasalanan ko sa 'yo ha? Viviane, you're not like this. Bakit bigla ka na lang gumawa ng eksena? Do you think it's right to hurt other people and throw something? What if may matamaan? Ha?" Nanggigil talaga ako but as much as possible I'm calming myself.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now