Chapter 2

73 6 0
                                    

Chapter 2

"May crush kang Dela Vega?" Kaagad na tumango sa akin si Cara. Umupo naman ako sa armrest ng upuan niya. Habang kumakain ng tinda niyang sandwhich. "Sino sa kanila?"

"Wala naman akong pag-asa ro'n. Huwag mo ng kilalanin," nakasimangot niyang sabi. Himala at first time niya atang sumuko kaagad ng wala pang ginagawa.

"Dali na. Ayaw kaagad sabihin. Sino sa kanila?" Naiintriga talaga ako dahil mukhang mapapalibutan na ako ng mga may gusto sa Dela Vega. Una ay si Annavel, ngayon naman ay si Cara. Ano ba kasi ang nagugustuhan nila sa mga 'yon?

"Moreno kasi siya ng slight tapos makulit. Wala. Ang cute niya lang. Iba 'yong pagkagusto ko sa kaniya. Hindi na ata 'to simpleng crush lang."

I rolled my eyes and crossed my arms. "I didn't asked you to describe him or your feelings for him. I'm asking his name. Anong pangalan?"

"Franco? I'm not sure."

Franco?

May Dela Vega bang Franco ang pangalan? Parang ngayon ko lang 'yon narinig. Kilala ko sa pangalan ang mga magpipinsang Dela Vega. Sadyang si Kuya Kael, Kuya Seo at William lang ang talagang kilala ko ang mukha pero wala namang Franco. Sigurado ako. Sinong Franco ang sinasabi ni Cara?

"Ano nga ulit pangalan noong crush ko? 'Yung taga-ABM na medyo makulit at moreno?" Tanong niya sa isa naming kaklase. Grabe! Sariling crush 'di kilala.

"Ahh iyon bang kaibigan ni William Dela Vega? Si Franco Dela Cuesta?"

"Ay oo 'yon nga. Kaibigan lang naman pala ng Dela Vega. Hindi talaga siya Dela Vega." Nag-peace sign sa akin si Cara. Mali-mali mag kwento ang baliw. "Dela Cuesta kasi ang apelyido, halos Dela Vega lang din."

"Oh, tama na ang kwento. May quiz tayo mamaya." Inilapag ni Joshua ang notebook niya sa harapan namin ni Cara. Seryoso na naman siya.

"Nag-review naman kami 'no." Inirapan ko muna si Joshua bago ko buklatin ang notes niya. Infairness, maganda talaga ang handwriting niya.

"Ahh ganoon ba? Akala ko kasi puro boy hunting ang inaatupag ninyong dalawa." Natigilan ako sa sinabi niya. Nang mag-anggat ako ng tinggin ay nasalubong ko ang tinggin ni Cara. Mukhang pareho kaming natamaan sa sinabi ni Joshua.

Nakaka-offend nang slight dahil nag-aaral pa rin naman kaming dalawa kahit papaano pero nang hindi kami mapasali ni Cara sa with honors noong first quarter ng unang sem, napagtanto ko na hindi pala sapat 'yon. Mas marami pa rin talaga kaming inalalaan na oras ni Cara sa paghahanap ng mga lalaking hindi naman kami talagang minamahal.

Paano ko mapapatunayan kay Mama na tama ang desisyon ko kung ganito na halos puro lalaki naman ang inaatupag ko? Ang tanga ko rin talaga e. Kailangan kong bumawi. Alam ko na kailangang kailangan kong bumawi pero wala e. Nagka-crush na naman. Hindi na ulit napigilan.

"Cara, ano ba? Saan mo ba kasi ibinigay ang ID ko?!"

Kadaraan lang kasi ng bago kong crush na may lahing Spanish pero hindi naman niya ako pinansin. Sabi ko kay Cara, ibigay doon ang ID ko pero mukhang hindi naman niya doon ibinigay. Nawawala na tuloy.

"Ewan ko. Basta iniwan ko 'yon sa table niya sa canteen kanina," sabi niya sa kabilang linya. "Hala ka, baka iba ang nakapulot no'n."

Mas lalo akong nainis dahil nakuha niya pang tumawa. How dare she?! Pinagpatayan ko nga ng tawag. Nakakainis naman!

Wala na muna akong paki alam sa crush ko basta maibalik lang ang ID ko. Mahalaga sa akin 'yon. Ano na naman ba kasing katangahan ko e? Bakit ko isinakripisyo ang ID ko para sa lalaking 'yon? Mabuti na lang at friend ko si kuya Bong, guard ng school namin, kaya nakapasok ako kinabukasan kahit wala akong ID.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now