Chapter 8

39 5 0
                                    

Chapter 8

"You're jealous?" hindi ko mapigilang matawa.

"What's funny?" Masungit na tanong niya.

Anong nakakatawa? Edi kami! Bakit pa siya nagtatanong? Hindi ba nakakatawa 'to para sa kaniya? Pareho kaming nagseselos kahit wala namang namamagitan sa aming dalawa. We don't have any rights to feel jealous. Para lang kaming mga tanga.

Umiling na lang ako at tumigil sa pagtawa. "It's already late. You should go home. Pagod na kasi ako, kailangan ko na magpahinga."

"Tell me what's funny about being jealous, Ms.Esteban." Seryoso pa rin siya hanggang ngayon na para bang napakalaking insulto ng naging reaksyon ko.

"I said I'm tired and I want to rest. Umuwi ka na-"

"Answer me first."

Ang kulit naman niya. Huminga ako nang malalim at pilit na pinipigilan ang sarili kong mainis sa kaniya. "Magpapahinga na ako pwede ka ng umuwi-"

"Sabi ko, sagutin mo muna ang tanong ko. Gaano kahirap sagutin 'yon?"

"Ang kulit mo naman Kuya Viel. Para kang bata. You're getting into my nerves. Get out of my sight nga!" naubusan na talaga ako ng pasensya. Bakit ba ang kulit niya? Sinabi ko na ngang umuwi siya 'di ba?

"The feeling is mutual. But I will not leave unless you tell me what's funny. At h'wag mo na nga akong tawagin na kuya."

Inirapan ko na lang siya at bubuksan na sana ang gate pero pinigilan niya ako. Malamang tatawagin ko siyang kuya. Mas matanda kaya siya sa akin.

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ang kulit mo rin?" Naiiritang tanong ko. Ayaw ko ngang sagutin e.

"Anong nakakatawa ro'n, Mary Shantal?" Mukhang galit na talaga siya. Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko at sinamaan siya ng tinggin.

"I have the rights to remain silent." Nakasulat 'yon sa batas. Bakit ko sasabihin?

"Esteban." I rolled my eyes and sighed.

"Us. I find it funny because there's nothing going on between us. We're not in a relationship, Kuya Viel. We're not even friends. I don't even like you. We're nothing and yet we feel jealous? It is stupid right? Hindi ba 'yon nakakatawa sa 'yo?" Hindi siya nakasagot agad sa mga sinabi ko. "Now that I already told you the answer, pwede ka ng umuwi."

Pumasok na ako sa loob at dumiretsyo sa kwarto ko. Doon ako umiyak. I feel guilty for telling him those words. But I'm just telling the truth lang naman. Bakit umiiyak ako dahil sa kaniya? Bakit nasasaktan na niya ako kaagad? Gaano ko na ba siya kagusto? Pero hindi talaga e. Naninibago lang ako sa ganito. Maybe masyado lang akong nao-overwhelm sa thought na may gusto siya sa akin at may tao na na possible na mahalin ako. Kaya siguro ako nagselos kay Hazel. Takot akong maagaw ang nag-iisang tao na gusto ako.

Binalewala ko na lang. Kung magagalit siya sa akin or kung hindi na niya ako kukulitin edi ayos lang. Mas better na wala akong iniisip na lalaki. Busy rin naman ako sa pag-aaral at pag-aasikaso sa mga kapatid ko.

I received a message from Gab after our class. He said he wanted to saw me. Wala rin naman akong masyadong gagawin kaya nagpunta ako sa mall. May pwesto sila ro'n.

"Hi, Ma'am." Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa dinaraanan ko. "I'm Guia from a modeling agency. We're looking for a potential model and you caught my attention."

Modeling agency na naman?

"I'm sorry po. I'm not into modeling po e," pilit na lang akong ngumiti. Ano bang problema nila sa akin? Ang payat-payat ko kaya tapos gagawin nila akong model?

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now