Chapter 11
"Kanina pang tunog nang tunog ang cellphone mo ah? Si Viel na naman ba?" Tanong ni Joshua.
Nakanguso akong tumango. "I told you he's clingy."
Napailing na lang siya bago ipinagpatuloy ang ginagawa. May competition kasi ang bawat strand. Pagandahan ng parol. Kaya heto at sinisimulan na naming gawin. Konti lang ang students sa strand namin kaya sinimulan na kaagad namin. We have to win dahil dagdag grades din 'to sa tatlo naming subject.
"Kapag nagkaroon ka na ng girlfriend baka maging clingy ka rin. Mas malala pa sa kaniya." Pang-aasar ko.
"I agree. Mukha lang walang sweetness sa katawan si Shua pero ang totoo iniipon niya 'yon para sa future girlfriend niya." Ginatungan naman ni Cara ang sinabi ko kaya napangiwi si Joshua na parang nandidiri.
"Ibubuhos niya sa future girlfriend niya lahat ng sweetness na itinago niya. I can't wait to know who's the lucky girl!"
"Tigilan niyo nga akong dalawa. Wala akong iniipon at wala rin akong magugustuhan." Mas lalong lumawak ang ngiti namin ni Cara.
"I can't wait to witness kung paano mo kainin ang mga salitang binitawan mo ngayon. You will love someone in the future for sure. And if that happens, hindi kami titigil ni Cara sa pang-aasar sa 'yo."
"Tumulong na nga lang kayong dalawa. Para makauwi na tayo."
Pero dahil bored ay hindi kami nakinig ni Cara hanggang sa makisali na rin ang iba naming kaklase sa asaran.
It was indeed a tiring day. Madilim na nang makauwi kami. May kailangan pa akong tapusin na part ko sa research namin. Ipapasa na 'yon sa isang araw at marami pa kaming kulang kaya pinagmamadali na kami ng leader namin. Mabuti na lang nag-volunteer na si Dale na alagaan ang bunso namin kaya maayos akong nakakagawa ng mga dapat kong gawin. Natigil lang 'yon nang katukin ako ni Dale sa room ko.
"May bisita ka." Sabi niya at umalis na. Malawak akong ngumiti nang makita si Viel. Nakasuot pa siya ng kulay green at white niya na org shirt at kulay itim na pants. May dala rin siyang bag at milktea.
"Pasok ka,"
Ibinaba muna niya ang mga dala niya bago lumapit sa akin. Hinalikan niya ang noo ko bago umupo sa kama ko na katapat lang study table.
"Busy ka pala kaya hindi ka nag-r-reply."
"Naka charge rin ang phone at naka dnd," Isinarado ko muna ang laptop ko bago humarap sa kaniya. It's been two weeks simula noong payagan ko siya na ligawan ako. Siyempre we still need to know each other pa. So far, hindi pa naman niya ako binibigyan ng sakit sa ulo. "Kumain ka na ba? Mukhang dito ka na dumiretsyo after ng klase mo."
Nakanguso siyang umiling. Back to pa-baby na naman siya. I never thought that dating a guy older than me would be like this. Akala ko ay aakto siya na parang kuya ko pero kabaligtaran ang nangyari. Sa mga oras na magkasama kami parang gusto niya palagi ay bunsuhin ko siya.
Napairap ako. "I told you kumain ka sa tamang oras."
"But I want to eat with you. I bought some foods for us and your siblings. Sabi ni Dale kumain na raw kayo mabuti na lang may dala akong snacks."
"Ibinili mo na naman ba si Viviane ng chocolate?" nag-iwas siya ng tingin bago tumayo at kinuha ang milktea na ibinili miya para sa akin.
"Inumin mo na 'to. Baka mawala ang lamig."
"Kuya Viel..."
Nakasimangot siyang umupo ulit sa kama ko. "It's our secret. Huwag mong sabihin kay Viviane na alam mo. Konti lang naman e. Dalawa lang ang ibinigay ko sa kaniya."
YOU ARE READING
Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)
RomanceIn a world where fame and love intertwine, two celebrities find themselves entangled in a web of past relationships that continue to shape their present. After a long time of living separate lives and pursuing their respective careers, fate brings M...