CHAPTER 26
VIEL DELA VEGA
"Do you remember your Tita Faye?" Mom asked. Sandali pa akong tumigil sa ginagawa ko para alalahanin kung sino ang tinutukoy niya.
Umiling ako.
"Sa bagay, bata ka pa noong nakita mo siya. Siya ang nagpasok sa 'yo sa commercial dati," Ayoko ng pinag-uusapan ang commercial na 'yon. Pikon na pikon na ako sa pang-aasar ng mga pinsan ko sa akin dahil doon. Mabuti nga hindi na nila napapagtripan ulit ang video ko na 'yon e. "She contacted me. Baka raw pwedeng-"
"You know that I don't want to be an artist."
"Anak please na. Alam mo naman na pangarap ko 'yon para sa 'yo 'di ba? Sige na, try mo lang." Hindi ko alam kung paano ko tatanggihan si Mom dahil kahit si Papa sinasabi na pagbigyan ko siya.
"I'll think about it."
Kung saan-saan ako dinala ni Mommy. Ang daming taong ipinakilala sa akin ni Tita Faye. Pinasali pa ako sa acting workshop, mukha kaming baliw roon na tatawa, iiyak, malulungkot. Hay ewan ko ba kung anong trip ng nanay ko e. Hindi ko na nga nabibigyan ng oras si Mary sa sobrang busy. Siguro galit na 'yon sa akin. Hindi siya nagre-reply sa akin e. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko.
Nang magkaroon ng pagkakataon ay dumaan ako sa bahay nila bago ako pumasok sa school. Tama ako. Galit nga siya. I tried to explain kung bakit madalas akong wala pero hindi ata niya naiintinidhan.
"We are both busy with our own life. Hindi natin kayang panindigan ang meron sa atin. We don't have time for each other." Alam ko na ang susunod niyang sasabihin pero hiniling ko pa rin na sana mali ako. "So, I'll be straight forward, Viel. Maghiwalay na lang tayo."
Kaagad ko siyang niyakap. Ayokong mawala siya sa akin. "Hindi tayo maghihiwalay. I love you so much, Mary. Please. Ano ba ang kailangan kong gawin?"
Kahit suwayin ko si Mommy gagawin ko huwag lang niya akong iwanan. Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan. Baka hindi niya bawiin ang sinabi niya. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya at hindi ko mapigilang umiyak. Nakahinga lang ako nang maluwag nang yakapin niya ako pabalik.
"I'm sorry,"
"Just don't think of breaking up with me again." Nasasaktan ako kapag naiisip niya 'yon kasi ako, never sumagi sa isp kong hiwalayan siya.
I tried to give her my time. Hindi na ako uma-attend sa acting workshop. Masaya naman akong natutulungan ko siyang mag-asikaso sa mga kapatid niya at palagi kaming magkasama. I tried to be a good boyfriend. I tried to be a good a good kuya to her siblings lalo na kay Viviane. Bihira ko na nga lang din masamahan sila Amanda at ang iba ko pang kaibigan.
"What happened, Viel? Sinabi sa akin ng Tita Faye mo na hindi ka sumisipot sa workshop," tanong ni Mom pagkarating ko sa bahay. Sinasabi ko na nga, makakarating kaagad sa kaniya.
"I'm just busy,"
"Busy kanino? Doon kay Mary na 'yon?" Nagpantig ang tenga ko sa paraan ng pagsasalita niya. "Kaya ba hindi ka na rin sumasabay sa amin ng Papa mo mag-dinner? Unti-unti ka ng lumalayo sa amin anak."
"She's not doing anything wrong. Choice ko ang huwag umattend doon." Ayoko naman talaga mag-artista e. Pero para wala ng masabi si Mom kay Mary, umattend na lang ulit ako. Hindi na lang din ako pumalag nang kuhanin niya ang phone ko kahit na nag-text si Mary at hindi ko pa nare-replyan. Maiintindihan naman siguro niya. Ayokong dumating sa point na mamili ako sa kanilang dalawa kung pwede namang pareho ko silang piliin. Pareho silang mahalaga sa akin.
Isinama ako ni Tita Faye sa isang taping sa Manila. Ipinakilala niya ako sa iba't ibang tao. Sabi niya obserbahan ko raw ang set para kapag ako na ang umaarte, hindi ako ma-culture shock. Boring nga e. Hindi pa rin ako nakakapag-cellphone. Ilang araw kami roon. Pagbalik namin ng Batangas, dumiretsyo ako sa bahay ng girlfriend ko kasi miss na miss ko na siya. Kaso wala siya. Sabi ng kapatid niya nasa HashTEAg daw kaya nagmadali na rin akong pumunta only to see her having fun with her friend. Masayang masaya? Hindi ko nga nakikitang tumawa ng ganito kapag magkasama kaming dalawa.
YOU ARE READING
Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)
Lãng mạnIn a world where fame and love intertwine, two celebrities find themselves entangled in a web of past relationships that continue to shape their present. After a long time of living separate lives and pursuing their respective careers, fate brings M...