CHAPTER 27
"My Bitch Ex?" Nakakunot-noong tanong ni Meli nang makita niya ang isang file sa laptop ko. Doon nakalagay ang mga pictures naming dalawa ni Mary noong kami pa pati na rin ang mga ayaw ko sa kaniya. I tried to hate her kaya ginawa ko 'yon.
"Wala 'yan." Kinuha ko na ang laptop ko bago pa niya pagdiskitahan ang laman noon tapos aasarin na naman niya ako.
"So, hate mo na ba siya? Willing ka na ba na kumilala ulit ng iba?" Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi ako sumagot.
Sarkatisko na lang ako tumawa. "Ang tagal naman ni Mitch? Gusto mo bang manood muna ng cartoons?"
Ayokong sagutin ang tanong niya. Buti na lang hindi na siya nangulit. Sinubukan ko lang namang magalit kay Mary kaya lang hindi ko kaya. Kaya nagdesisyon na lang ako na mahalin siya at hintayin na lang siyang bumalik.
"Pre, kumusta?" Tanong ko kay Joshua nang makasalubong siya. Medyo umilag pa siya nang mag-fist bomb ako sa kaniya. Hindi ko siya masisisi. The last time we saw each other, muntik ko na siyang bugbugin.
"Okay lang. Ikaw?"
"Hindi pa rin nakakamove on," natatawa kong sabi. "Kumusta na ba ang kaibigan mo?"
"Bakit mo tinatanong? Niloko mo lang siya 'di ba?" Tinaasan niya pa ako ng kilay bago sarkatiskong natawa.
"Hindi ko siya niloko. Hindi niya lang ako napakinggan. I'm not blaming her though. Kasalanan ko ang lahat."
I tried to explain what happened. Nang matapos akong magpaliwanag ay saka pa lang siya nagkwento sa akin.
"Sobra mo siyang nasaktan pre. Noong mga oras na 'yon gusto na talaga kitang patayin." Napailing pa siya. "Mahal ko rin siya e. Iniisip ko noon na kung matapang lang sana ako na ipaglaban ang nararamdaman ko sa kaniya, edi sana hindi siya napapunta sa 'yo. Sana hindi siya nasasaktan because God knows na hindi ko siya sasaktan. Pero sa sobrang takot ko na mawala siya sa akin, nag-stay na lang ako bilang kaibigan."
"Tangina pare, tamang hinala pala ako dati." Kaya selos na selos ako kasi alam kong may something e.
"Wala akong planong i-pursue siya kaya huwag kang mag-alala. And besides wala ka na rin sigurong pag-asa sa kaniya. Pareho tayong hindi nanalo."
Hindi ko alam kung dapat ko bang panghawakan ang sinabi niya o kailangan kong mag-double effort para mapansin na ulit Mary. Totoo naman na mukhang wala na akong pag-asa. Kinalimutan na nga ata niya na nakilala niya ako e.
"At least ikaw nakakausap mo pa siya." Iyon ang lamang niya sa akin.
"Hindi ko siya masyadong nakakausap. Pero ang huli kong balita, nahihirapan pa rin siyang mag-adjust sa bagong buhay nila. Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko. Minahal ka naman talaga niya kaya nga siya umiyak nang umiyak noong nag-break kayo. Magulo pa ang isip niya noong umalis siya. Hindi rin biro ang mga pinagdaanan niya. Alam mo naman 'yon."
"I understand."
Kahit madalas malabo, pipilitin ko pa rin siyang intindihin. Palihim ko siyang sinusuportahan. Hindi ako tumigil na isama siya sa araw ko by messaging her kahit na hindi niya nababasa. Baka busy lang siya. Baka kapag may oras na, mag-reply siya sa akin. Pinanghawakan ko ang sinabi ng kaibigan niya na minahal ako ni Mary. Umaasa ako na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ako dahil hindi naman gaoon kadali makalimot. Baka natabunan lang ng mga masasakit na nangyari sa kaniya ang pagmamahal niya sa akin. Baka kapag okay na siya, maging okay na rin kami.
Iyon ang naging motivation ko para bumangon araw-araw. Para kapag nagkita ulit kami, magiging proud din siya sa akin. Inaasar na nga akong obsessed ni Mom every time she saw me stalking Mary's new IG account. Hindi ko naman siya ma-message roon dahil sabi ni Joshua ay manager ang humahawak noon. Mabuti at naging boto na ulit si Mom kay Mary, she never say anything bad about her again. Sa totoo lang ay gusto niyang makausap ulit si Mary to personally apologize.
YOU ARE READING
Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)
RomanceIn a world where fame and love intertwine, two celebrities find themselves entangled in a web of past relationships that continue to shape their present. After a long time of living separate lives and pursuing their respective careers, fate brings M...