Chapter 30

12 3 0
                                    

CHAPTER 30

"Viel." Malawak akong ngumiti nang makita siya. I didn't expect that he will visit me here.

Ngumiti siya pabalik. Habang naglalakad siya palapit ay tsaka ko lamang nakita ang isang basket ng prutas na dala niya.

"Parang gusto ko ng kape," napatinggin ako kay Cara.

"I think we have a coffee here-"

She cut me off. "Hindi ano kasi... uhmm... kape ng starbucks ang cravings ko."

Bibiruin ko pa sana siya na yayamanin na siya ngayon pero nakatayo na kaagad siya dala ang bag niya.

"Bye muna guys! Babalik na lang ako mamaya."

Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa amin ni Viel nang magsarado ang pintuan. Hindi ko alam ang sasabihin ko samantalang siya ay mukhang nalilito rin sa gagawin. Kung lalapit ba o mananatili na lang sa pwesto niya.

Tumikhim ako. "You can put that basket over there." Itinuro ko ang lalagyan ng mga pagkain ko. Lumapit naman kaagad siya roon para ipatong ang basket na dala niya. "I'm glad you came. Wala akong bantay ngayon. Nakakainip."

Nanatili siyang nakatayo malayo sa akin. "Ahh oo nga raw kaya pinapunta ako ni Kuya Jackson dito para bantayan ka. Sakto, wala naman din akong ginagawa."

Tahimik na naman. Ang awkward naming dalawa. Kailangan kong magsalita.

"Hindi ka ba nangangalay tumayo? Here's the chair, pwede ka namang umupo." Itinuro ko ang upuan na katabi lang ng kama ko. Umupo rin naman siya kaagad.

"K-kumusta ka na?" nakaharap siya sa akin ngayon. Pinilit kong bumangon para maka-upo rin ako. Kaagad naman niya akong tinulungan na mai-adjust ang hospital bed bago siya umupo ulit.

"Okay na naman. Hindi ko lang sigurado kung kailan ako makakalabas." I tried to looked at him again. Napansin kong nakatingin siya sa kamay kong may nakabalot na puting tela. "Pagaling na siguro 'to. Hindi naman masyadong masakit."

"Nag-alala ako sa 'yo nang sobra." Nakatingin pa rin siya sa mga kamay ko. Inabot niya 'yon at marahang hinawakan. "Kung pwede ko lang sanang kuhanin lahat ng masasakit na nararamdaman mo, ginawa ko na."

"Why are you saying that? You don't have to." Kaya ko naman ang sarili ko. May pagkakataon lang na sa sobrang bigat at sakit ay naiisipan kong sumuko na lang. Pero nandito pa rin naman ako. Kinakaya ko naman.

Habang nakahawak siya sa kamay ko ay naagaw ng atensyon ko ang suot niyang bracelet. Regalo ko sa kaniya 'yon dati. Tumingin siya sa akin at marahan siyang ngumiti. May luha sa mga mata niya na parang gusto nang kumawala. "Pwede ba kitang yakapin kahit... sandali lang?"

Tumango ako. Napalitan na ng pagkasabik ang awkwardness sa pagiitan namin kanina. I guess wala namang masama na pagbigyan siya sa gusto niya. Gusto ko rin naman siyang yakapin. Kaagad siyang tumayo at niyakap ako. Hinahaplos ko lang ang buhok niya habang umiiyak siya. "Mahal na mahal kita, Mary. Masyado mo akong tinakot sa ginawa mo. Hindi ko kayang mawala ka ng tuluyan sa akin. Mababaliw ako,"

It's a serious moment but I can't help but to slighty laugh. I honestly didn't know why. Maybe because I didn't expect that this big man will cry like a baby because he's afraid to lose someone like me? Nakakalimutan ko palagi kung gaano niya ako kamahal. Nawala sa isip ko na may taong magdurusa ng sobra kung susukuan ko ang sarili ko. Napatigil siya sa pag-iyak at tiningnan ang mukha ko. Parang naninigurado kung tumawa ba talaga ako. I smiled at him. Pinunasan ko ang mga pisngi niyang basang-basa ng luha. He's already 31 if I'm not mistaken but he looked like a kid in my eyes right now.

"Did you just laughed?"

Kaagad akong umiling. "Why would I laugh to interrupt your touching speech?"

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now