Kabanata 8: Save
"I'm Celestine Knox McKenzie." Pagpapakilala ko kay Kiara.
"McKenzie?" She lifted her brows. "Are you related to Camile Klein?" Tanong niya.
I smiled before nodding my head. Muli akong napatingin kay Drei. She's still looking at Kiara. Mabilis akong umiwas ng tingin nang magtugma ang mga mata namin.
"She's one of my friends. And, I didn't know that CK has a beautiful sister." She said while keeping an eye on me.
"She's not a vocal person." I said back. "Well, in fact, we're not that close enough to introduce ourselves as sisters." I just shrugged and sit beside Lara.
"I saw that kiss, Celestine." She whispered. "We saw that kiss." She even emphasized the first word.
Bahagya akong nagulat pero agad ko rin 'yong iwinaksi. "Can you keep it a secret?" Imbes na tanungin kung sino pa ang nakakita ay 'yan ang lumabas sa bibig ko.
Tumango siya sa akin. "Someone is watching us, Celestine." Bulong niya sa akin.
Dumiretso naman ang mga mata ko kay Drei pero, nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Kiara habang nakikipagkwentuhan kila Kate at Claire. Napasinghap na lang ako at tumitig sa kawalan.
"What do you feel right now, Celestine?" She asked.
"I don't know." Sagot ko. "I just want to enjoy this 48 hours of vacation pero, parang hindi pa matutuloy." Natatawa kong sambit sa kaniya.
"Because you're focusing on one person. Hindi mo talaga mae-enjoy ang oras na 'to kapag nakaupo ka lang." Sabi niya sabay tayo. "Let's have fun, Celestine." Nakangisi na siya ngayon sa akin.
Hindi na ako nakaalma nang hatakin niya ako palayo sa kanila at dinala sa may isang boutique. May mga damit, souvenir, handicrafts at iba pa. We roamed inside the area.
"Wear that, Celestine." Sabi ni Lara pagkatapos niyang ibigay sa akin ang isang white beach cardigan. "You're catching too much attention because of your sexy body. Pati ako nadidistract sa 'yo." She chuckled.
Isinuot ko na ang binigay niya kahit hindi ko alam kung bayad na ba o hindi pa. Iginala ko na lang din ang sarili ko sa lugar. Maraming magaganda pero, wala akong dalang pera. Isa pa, may kamahalan din ang mga binebenta nila dito.
"This is for you." Sabi ni Lara nang makasalubong ko.
Binigay niya ang isang maliit at kulay kapeng kahon. Napatitig ako sa laman nito. It's a necklace with a kite pendant. I looked at her, confuse.
"Why?"
She smiled at me. "Nagandahan ako tapos ikaw agad ang pumasok sa isip ko. No, I don't like you but, I don't hate you either. I just want to give you this. Walang malisya." Dire-diretso niyang sambit sa akin.
Umiling lang ako. "You're being talkative." I even nodded my head. "But, thanks for this." I smiled and wave the tiny box.
"Ako na," sabi ni Lara nang isusuot ko na ang necklace. "Don't be bothered about Kiara. Focus on yourself and trust your feelings." Bulong niya sa akin matapos mailagay ang necklace sa leeg ko. "It suits you." She smiled.
I smiled back. "Baka naman may bayad 'to ah." I chuckled jokingly.
"Sira!" Asik niya. "Labas na tayo." Aya niya sa akin at muli akong hinatak palabas ng boutique.
Nagpatianod lang ako sa kaniya hanggang sa unti-unti nang lumuluwang ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Minsan lang magsalita at kapag ako ang kaharap niya ang dami niyang sinasabi at tungkol pa sa aming tatlo nila Drei at Jaime.
BINABASA MO ANG
Silent Heart
RomanceIf the silent heart voiced out, what happens? P.S: This is a girl to girl love story. This story confuses me. Lol.