Kabanata 18

527 37 4
                                    

Kabanata 18: Runaway

"Aalis ka?" Tanong ni Ashanti kay Jaime. Tumango lang si Jaime bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. "Iiwan mo si Celes—"

"Drei can stay here." Sagot niya kay Ashanti at hindi na kami nilingon pa.

"Ako na lang ang maiiwan dito." Suhestyon ni Lara. "Alam kong may problema ang dalawa. A misunderstanding to be exact." Pagpapatuloy ni Lara na katabi ko lang.

"Ano ba kasi talagang nangyari noong gabing 'yon, Celestine?" Usisa ni Claire.

Napabuntonghininga ako bago sumagot, "Naabutan niya kami sa banyo na nakapa-ibabaw sa akin si Drei. No... walang nangyari sa amin ni Drei. Nag-usap lang kami. Pinaliwanang lang niya sa akin lahat. 'Yon lang."

"Anong plano mo?" Tanong naman sa akin ni Coco.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Lara, ikaw na ang bahala rito. Tumawag ka kapag may problema." Sabi ni Ashanti bago tumayo. "Tara na." Utos niya sa mga kaibigan.

Nag-stay muna sila rito ng tatlong araw at ngayon ang alis nila. Si Camile, kinaumagahan matapos ang laro, umuwi na rin siya sa amin. Ilag pa rin siya at hindi man lang niya ako kinausap.

Ilang araw ang lumipas at mas lalong lumalala ang pakikitungo sa akin ni Jaime. Kahit papaano ay kinakausap niya si Lara pero, ako? Kahit isang segundong tingin ay hindi niya magawa.

I always try to explain but, she always flinch. Naghahanap din ako ng mas magandang tiyempo pero, lagi naman siyang wala. Magigising ako, aalis siya. Tapos tuwing gabi naman, hihintayin ko siya pero, lagi siyang dumidiretso sa kwarto niya at magkukulong na naman buong umaga.

"Jaime..." pigil ko sa kaniya nang lalabas na naman siya.

"Put down your filthy hands." Parang kung anong tumusok na matalim sa puso ko nang sabihin niya 'yon.

"S-sorry," napakagat ako sa ibabang labi ko bago ko siya binitawan. "Jaime, please... pakinggan mo naman ako."

"Why would I listen to you? Para lasunin na naman ang utak ko gamit ang mabubulaklak mong salita? Para ipamukha sa akin na tanga ako dahil minahal kita?"

Damn this sensitive eyes! Stop crying, Celestine!

"'Wag mo akong paandarin sa paiyak-iyak mo." Panunuya niya sa akin. "That night, ano sa tingin mo bakit si Drei ang hinalikan ko?" Tanong niya sa akin.

I bit my lower lip again. "I d-don't know..." mahina kong sagot sa kaniya.

"I want to see your reaction at tama nga ako. Nakatitig ka kay Drei. It means... nasasaktan ka dahil ang mga labi ko ang nakalapat sa mga labi ni Drei at hindi ang sa 'yo." She laugh sarcastically. "Celestine, stop playing. Game over na. Nanalo ka na. Stop playing with my damn heart again." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng bahay niya.

Muli na namang nag-unahan ang mga maiinit na likido sa mga mata ko. Hanggang kailan ko ba dadanasin ang sakit na 'to?

"Celestine, bigyan mo muna siya ng oras para makapag-isip." Tumango na lang ako kay Lara bago siya nilingon. "Alam nating parehas na nasaktan siya. Kaya kahit anong pilit mong mag-explain, mababalewala lahat 'yon dahil mas nangingibabaw ang sakit sa puso niya."

"Until when, Lara?" I asked, downhearted. "Ilang araw na siyang nagkakagano'n. She treated me, as if I have an illness that can be transferred. Hindi pa ba niya makita na nasasaktan na rin ako sa mga kinikilos niya? Hindi pa ba niya maramdaman na nahihirapan na rin ako?" Hindi ko na nakayanan kaya napasalampak na ako sa sahig. "Hindi pa ba niya maisip na kahit anong taboy niya sa akin, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya?"

Silent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon