Wakas II
Nakatulog ako nang mahimbing at nagising na lang ako sa sunod-sunod na katok na narinig ko mula sa labas ng pinto. Antok na antok kong binuksan ang pinto at tili agad ni Claire ang bumungad sa akin. Wala sa sariling napatakip ako ng tainga dahil sa lakas ng tili niya.
"Get dress, get dress." Masigla niyang sambit sa akin.
I looked at Lara. "What's going on?" I asked, curious.
"Stop asking. Wear this." Wika ni Lara at binigay sa akin ang isang box.
"Madaling araw pa lang, Lara. Ano bang meron ngayon? Hindi ko naman birthday." I said in a sleepy voice. Napadaing na lang ako nang malakas akong hampasin ni Lara sa braso.
"Gising ka na ba?" She said sarcastically. "Huwag mong hintayin na ako pa ang magpapaligo sa 'yo."
I smirked. "Why not, Lara? You know, antagal ko na ring hindi nakakakita ng-"
"Shut up, Chandler!" Inis na putol ni Lara sa sinasabi ko. Tumawa lang kaming dalawa ni Claire. "Tignan mo ang kay Celestine, huwag ang akin. You pervert monster." She rolled her eyes.
"Oo na. Lumayas na kayo." Natatawang sambit ko bago sila pinagsaraduhan ng pinto.
Inilapag ko na ang box sa may kama ko at kumuha na ng towel bago pumasok sa banyo. Isa-isa ko nang tinanggal ang saplot ko sa katawan. I turned on the shower and let the warm water flow in my naked body. Ilang minuto lang ang tinagal ko hanggang sa matapos kong linisin ang buong katawan ko.
Pagkalabas ko, agad kong binuksan ang box na binigay sa akin ni Lara. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko 'yon.
It is a wedding dress!
"Cams! Mamaya ka na magbihis! Aayusan muna kita!" Sigaw ni Ace sa labas kaya mabilis kong binalik ang wedding dress sa may box at mabilis na nagbihis.
"Hi?" Alanganing wika ko nang pagbuksan ko si Ace.
He chuckled. "Kinikilig ka na naman. Don't worry, kay Zahra ka ikakasal- ouch naman girl!" Pabebe niyang saad sa akin nang hampasin ko siya kaya inirapan ko na lang siya.
Iginaya niya ako sa may study table ko. Tinitigan ko lang siyang ayusin ang mga gamit niya sa lamesa ko. Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang inaayusan niya ako. Light make-up lang ang postura ngayon ng mukha ko dahil ayoko talaga ng heavy make-up. After niya akong ayusan ay tinulungan niya ako na isuot ang wedding dress ko.
"Taray! Ang ganda!" Tili ni Ace.
"Sira!" I laughed.
"Hintayin mo ako. Magpapalit lang din ako." Sabi ni Ace at pumasok na sa loob ng banyo.
I looked at my own reflection. Am I really getting married now? It is unexpected, I know. I am not yet ready but, if Celestine who I am going to marry, then I will surrender myself. End of discussion.
"Baba na tayo, Chandler." Napalingon ako kay Ace na naka-black tuxedo ngayon.
Tumayo ako at pinag-krus ko ang dalawang kamay ko sa harapan ni Ace. "Espirito ng kalalakihan, lumayas ka sa katawan ng bruha kong kaibigan- masakit 'yon ah!" Daing ko nang ibato niya sa akin ang isang brush niya.
"Gaga ka! Sana talaga si Zahra maging asawa- hays, gusto mo si Celestine?" Putol niya nang samaan ko siya ng tingin. "In your dreams, Chandler. Bumaba na tayo." Sabi niya at hinatak na ako palabas ng kwarto ko.
Nangunot ang noo ko nang makita silang lahat na naka-dress at naka-tuxedo naman sila Lewis at Papa. Hinanap ng mata ko si Zahra pero wala. I mentally prayed na hindi siya ang papakasalan ko dahil magkakamatayan muna kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Silent Heart
RomanceIf the silent heart voiced out, what happens? P.S: This is a girl to girl love story. This story confuses me. Lol.