chapter 15

170 13 0
                                    

Kay cris lang yung gagawin kong point of view dito!

Sana magustuhan nyo!!

Enjoy!

-------

cris, p.o.v

Nasa van na kaming lahat at handa na,

Nandito ako ngayon sa dulo, katabi naman ni luna si divion.

Pinagmamasdan kolang silang dalwa dito,

Pansin kong tulog si luna, pagewang gewang ang ulo nya, guato kong tumawa dahil don.. ng biglang nilagay ni divion ang ulo ni luna sa balikat nya, umiwas agad ako ng tingin,

bakit ganto ang nararamdaman ko?
Bakit parang ayoko nung ginagawa ni divion?
bakit parang nasasaktan ako?

This fast few days laging ganto ang nararamdaman ko, parang--parang.. aiishh,

Napasabunot nalang ako sa ulo ko dahil don..

Itulog ko nalang to, mm..

* * * * *
Nagising nalang ako ng may tumapik ng pisngi ko, ayokong pang gumising!

Hindi padin ako namulat,

Tumigil ang pagtapik ng pisngi ko..

Naramdaman ko nalang na lumapit sya sa muka ko at hinipo ang muka ko,

"Nako.. mainit ka.." narinig ko nagsalita sa luna kaya napamulat agad ako, bumilis ang tibok ng puso ko

Sobrang lapit ng muka nya sakin!!

Nakita ko yung muka nya na nag aalala, napaiwas agad ako ng tingin,

Bat parang ang saya ko ng makita ko na nag aalala sya sakin, napangiti nalang ako ng palihim dahil don,

"Clark!" Tawag nya narinig ko naman na may yabag ng paa ang palapit dito,

"oh? Bakit? Anong nangyari kay cris?" Tanong pa ni clark,

"nilalagnat.. ang init nya! Kaya bilisan nyo dyan at umalis na tayo agad.." saad nya

Bat hindi to sumisigaw?

"Himala at hindi ka sumisigaw?!" Sigaw ni clark,

Ahh! Napakalakas ng bunganga nya!

"ano ba clark.. magigising kasi to si cris oh! Tignan mo nasigaw ka dyan, pag to nagising tatamaan ka sakin.." mahinang sabi pa ni luna kaya ngumiti ako ulit, ng palihim,

"oo na! sasabihan ko na lang sina jake.." pabulong na sabi pa ni clark,

"sabihin mo pakibilisan at inaapoy na to ng lagnat.." bulong pa ni luna,

Narinig ko na umalis na si clark at don palang ako nag mulat,

Shit ang sakit ng ulo ko!

"oyy! cris kamusta pakiramdam mo? okay ka lang? anong kaylangan mo?" Sunod sunod na sabi nya

"L-luna, nilalamig ako.." nanginginig na sabi ko,

Dali dali nya naman hinubad ang kanyang suot ma jacket at binalot sakin,

Pinaupo nya muna ako sa sulok ng van,

Sya naman inaayos ang aking hihigan nilagyan nya ng bag yung unahan para gawing unan ko,

"oyy, cris akina ang kamay mo" sabi ni luna kaya inabot ko yung kamay nya

Hiniga nya ko sa pinakadulo ng van, tapos kinumutan nya ako ulit,

"cris? Matulog ka nalang muna dyan ah? Gigising nalang kita pag nandon na tayo, bibili lang ako ng gamot don ha?"
Saad nya kaya tumango ako,

Dinalaw na ulit ako ng antok,

Naalala ko natuyuan nga pala ako ng pawis kahapon, hay bat naman ang taas agad ng lagnat ko?

Natulog nalang ako dahil baka sumakit lang lalo ang ulo ko,

* * * *

"cris? oyy, gising na..cris?.." dinig kong sabi ni luna,

Nagmulat naman ako ng mata, dahan dahan akong tumayo, nabigla pa nga si luna ng tumayo ako,

Muntik nakong mag taob dahil sa sakit ng ulo ko buti nalang at  nahawakan agad ako ni luna,

"tumatayo kasi agad! tara na nga.." saad nya pa,

Lumakad na kami kaya lang nagtaka ako,

"Nasan na yung iba?"

"ahh, yun ba nauna na sila.." saad nya kaya tumango ako,

Sobrang bagal kong maglakad kaya na iinip na si luna,

"Sandali nga lang!" Saad nya at tumigil sa pag lalakad,

"b-bakit?" Sabi ko,

Hindi naman sya sumagot at umupo nalang sa lupa, parang sinesenyasan nya pa akong umupo sa likudan nya?

"Anong gagawin ko?" Takhang tanong ko,

"Sumakay ka! Ang bagal-bagal mong lumakad eh.." inis na reklamo nya,

"No way!" Saad ko

"Dali na kase!!"

"Alam mo bang mas matangkad ako? Baka magdagasa lang tayo!" Sabi ko,

"Trust me.." sabi nya pa, at tinignan ako ng masama kaya no choice kundi sumakay,

Sumakay ako sa likod nya at dahan dahan naman syang tumayo,

Nakakadalwang hakbang palang sya ay nagdagasa na kami!!

Pagilid ang baksak naming dalwa kaya magkaharap kami ngayon,

Nagkatinginan kami at..

"Hahhahahahaha" tawa nya, pinagmasdan ko lang sya ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay tumigil syang tumawa at nagiwas ng tingin,

"Tara na nga! Kita mo nilalagnat pako oh!" Saad ko, para hindi sya makaramdam ng ilang,

Tumango sya at inakay akong maglakad,

Hayy, hindi ata ako ma kakapag enjoy..

"Oo nga pala ako ang mag aalaga sayo ngayon dahil walang marunong mag alaga sa mga klasmeyt natin.." sabi ni luna,

"So.. you are my nurse!"



** * * *🌙
Abangan mo mamaya ang susunod na chapter, heheh

Enjoy!




The Only Girl In Section GTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon