Pain #9
Inanna's POV
Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko agad si mommy na masama ang tingin sakin.
"Bakit ngayon ka lang Inanna? 9pm na! Hindi ganito ang oras ng dismissal niyo!" sigaw sa akin ni mommy.
Yumuko ako.
"Sorry po mommy. May inasikaso lang po ako." pagpapalusot ko.
Hindi ko pwedeng sabihing nanggaling ako sa puntod ni Ate dahil sigurado akong pagagalitan lamang nila ako.
Hindi ba't pinagbabawalan nga akong makita siya noon pa? Hanggang ngayon ay ipinagkakait pa rin nila sa akin ang kapatid ko.
"Inasikaso? Sigurado akong hindi importante iyan! Mas importante ang mga gawaing bahay mo rito! Bata ka, masyado kang gala!" patuloy niya pa rin sa pagsigaw sa akin.
"Sorry po mommy. Hindi na po mauulit." nakayuko ko pa ring sabi.
"Hala sige! Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis. Pagkatapos ay maghugas ka na ng pinggan. Bwisit kang bata ka. Araw-araw mong pinapainit ang ulo ko." pagkatapos ay naupo na siya sa may sala at nanood ng telebisyon.
Umakyat na ako sa kwarto ko.
Sabi ko na e. Pagagalitan na naman ako.
*sigh*
Bago magbihis ay tumingin muna ako sa salamin. Siguro ay naging hobby ko na ang pagtingin sa salamin.
Namumugto ang mga mata ko pero hindi man lang pinansin ni mommy.
Siguro nga'y wala siyang pakialam..
Kagagaling ko lang sa pag-iyak pero heto na naman ako.
'Yung pagbagsak ng luha ko, tuloy-tuloy. Wala akong ingay na inilalabas tuwing umiiyak ako. Tahimik lang ako at dinadamdam ang sakit.
Palagi na lang ba talagang ganito? Araw-araw na lang.
Kelan ba ako magkakaroon ng totoong ngiti? 'Yung tipong hindi na pilit at aabot na sa aking mga mata ang ngiting iyon.
Sana naman dumating ang oras na iyon. 'Yung oras na makikita ng lahat ang kasiyahan ko. 'Yung oras na wala na akong iniindang paninikip ng dibdib.
*sigh*
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng paldang suot ko para ilagay sa side table.
May nahulog na bagay sa sahig.
Pinulot ko ito at nakitang panyo pala ni Harry ang nalaglag.
Ngumiti ako ng mapait.
Kahit siya na isa sa mga makapagpapasaya sa akin ay hindi ko maabot.
Pakiramdam ko'y sobrang layo niya at sobrang hirap abutin. Wala akong pag-asang makuha siya.
*sigh*
Nagbihis na ako at pumunta na sa kusina.
Napangiti na naman ako ng mapait.
Wala na namang pagkain para sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko?
Mabuti na lamang at nakakain na ako sa labas kasama si Harry.
Pumunta na ako sa lababo at nagsimula ng maghugas.
Habang naghuhugas, iniisip ko ang mga hirap na napagdaanan ko.
Bakit ganun? Hindi na ba ako kayang patawarin ng pamilya ko?
YOU ARE READING
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
Teen FictionPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?