Pain #4

67 0 2
                                    

Pain #4

Inanna's POV

"Baby! Tara na sa school!"

"Wait lang po. Pababa na!"

Pagkababa ko, agad na kaming pumasok sa school dahil late na kami.

Pagdating namin sa school, nakasalubong namin ang bestfriend niya.

"Best! Goodmorning. Late ka rin?"

"Goodmorning din best and Inanna. Oo e. Tinanghali kasi ako ng gising. Eh kayo?"

"Si Inanna kasi ang bagal kumilos. Dalagang-dalaga e. Hahaha!"

Napapout na lang ako dahil tinawanan nila akong dalawa.

"Di bagay sayong magpout Inanna! Hahaha! Tara. Tambay muna tayo sa rooftop. Hindi na tayo makakapasok sa first subject eh."

"Ang bad mo! Tara na po sa rooftop!" pag-aaya ko sa kanila.

Pagdating namin sa rooftop, bumaba din agad ang bestfriend niya para bumili ng makakain namin.

"Uhm..."

"Bakit Inanna?"

"Punta lang po ako sa rest room."

"Sure." ngumiti siya sakin.

Bumaba na ako dahil nasa first floor ang CR at ang rooftop ay nasa 4th floor.

Paglabas ko ng CR, isang usapan ang nakakuha ng atensyon ko.

"May dinala raw na estudyante sa ospital."

"Oh? Sino raw at anong nangyari?"

"Babae raw e. 4th year na. Nakita lang daw siya sa rooftop na nakalupasay na tapos sobrang putla. Tapos ang matindi pa, nabagok daw yata kasi dumudugo 'yung ulo."

Napahinto ako.

Babae... 4th year... Rooftop...

Nanlambot ang tuhod ko. Hindi... Hindi maaari...

"Inannaaaaaa!"

Nagising ako bigla.

Ang panaginip na iyo.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Dapat hindi ko siya iniwan doon...

Kasalanan ko ito...

Kasalanan ko kung bakit siya na---

"Hoy babae! Bumangon ka na! Late ka nang babaita ka!" sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo."

Napatingin ako sa orasan sa itaas ng pinto ng kwarto ko.

7:30 am.

Napasapo ako sa noo ko.

Late na ako.

Agad-agad akong kumilos. Hindi dapat ganito ang isang pinuno. Hindi ako magandang halimbawa.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, pumunta na ako sa school.

"Goodmorning Inanna! Late ka yata ngayon." puna ng gwadiya namin sa school.

Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora