Pain #7
Inanna's POV
Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko.
No. Hindi ganito ang alarm tone ko.
Reminder: Her's
Napabangon ako agad nang makita ko ang reminder sa cellphone ko.
Tumayo ako at tumingin sa salamin.
Hindi naman halata na umiyak ako ng grabe kagabi.
Naghanda na ako para sa pagpasok ko sa school. Medyo tinatamad nga ako at saka parang ayokong makita si Harry at Aliyah.
*sigh*
Pagkarating ko sa school, syempre nakangiti na naman ako.
Nakasalubong ko si Daisha.
"Hello Inanna." medyo slang ang pagkabanggit niya sa pangalan ko. Half American nga siya hindi ba?
"Hi Daisha." ngumiti ako sa kaniya.
Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin. Ang ganda niya. Matangos ang ilong, blonde ang buhok, maputi, mapula ang mga labi at para siyang dyosa.
"Papasok ka na ba? Sabay na tayo." nakakaintindi naman siya ng Tagalog kahit papaano pero hindi siya sanay magsalita.
Tumango siya at ngumiti.
Kaya sabay kaming pumasok sa room. Naghiwalay din kami agad para makaupo sa proper seat namin.
"Hmp. Pinagpapalit mo na ako kay Daisha!" sabi ni Shayne habang nakacross arms at parang nagtatampo.
Natawa ako at kinurot ang pisngi niya.
"Ano ka ba Shey. Nagkasabay lang kami. Pinagpapalit ka diyan!" sabi ko sa kaniya habang kinukurot ang pisngi niya.
Shey nga pala ang tawag ko sa kaniya. Ang sabi niya kasi ay wala raw siyang palayaw kaya ginawan ko siya.
Tinapik niya ang kamay ko kaya napaalis ito sa pagkakakurot sa pisngi niya.
Hinawakan niya ang pisngi niya at tumingin sa akin ng masama.
"Waaaa! Chian! Aww. Ang sakit mo mangurot! Pinanggigilan mo na naman pisngi ko." nagpout siya kaya mas natawa ako.
Ang cute niya lalo. Sarap talagang kurutin ng pisngi niya.
"Shey. May gagawin ka ba mamaya?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Nakita ko naman na medyo nagpapawis siya at para bang kinakabahan.
"B-bakit C-chian?" nauutal niyang tanong.
At 'dun na ako natawa. Ang cute ng reaction ng bestfriend ko. Hahaha.
Pinalo niya ako sa braso habang tawa ako ng tawa.
"Chian naman e! Bakit ka ba nantitrip ngayon?" nakapout niyang sabi.
"Bakit ka kasi ganiyan makareact? Wala naman akong gagawin sayo e. Magpapasama lang ako sayo mamayang after class." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Saan naman?" nakangusong sabi niya.
"Basta. Sasabihin ko sayo mamayang uwian." sabi ko sa kaniya at umayos na ng upo dahil dumating na ang teacher namin.
Nang matapos ang class, agad kong nilapitan si Shayne.
"Shey. Tara na." nakangiti kong pag-aya sa kaniya.
YOU ARE READING
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
Teen FictionPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?