Pain #10
Inanna's POV
Kaya ba? Kaya ba nila ako tinatrato ng ganun? Dahil bunga lang ako ng isang aksidente.
Umakyat na ako sa kwarto ko, naligo, nagbihis at nag-ayos ng sarili.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito.
"Inanna! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.
Bakit pa? Para saan pa? Hindi naman nila kailangang magpaliwanag dahil alam ko na ang totoo.
Isinuot ko na ang backpack ko.
Tumingin akong muli sa pinto. Hindi ako pwedeng dumaan dun dahil siguradong haharangin lang ako ni mommy.
Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko. Pagdungaw ko, may nakita akong pwedeng apakan.
*sigh*
Nagsimula na akong bumaba mula sa bintana ng kwarto ko. Nang makababa ako, maingat akong tumakbo papunta sa labas ng bahay namin.
Agad akong sumakay sa tricycle.
*sigh*
Naalala ko na naman ang brown envelope na nakita ko sa table sa opisina ni daddy.
Isa iyong DNA Test Result. DNA Test namin ng lalaki sa picture.
Si Eric Saavedra. Ang tunay kong ama.
Kaya pala, simula nang mawala si ate, hindi na ako welcome sa pamilya dahil sa simula pa lang, hindi naman talaga ako parte ng pamilyang iyon.
Kung hindi lang dahil kay ate Janiya, hindi nila ako tatanggapin. Ang sakit lang. Kahit tunay akong anak ni mommy, hindi niya ako matanggap.
Sabagay, sino nga ba ang makakatanggap sa isang katulad ko? Isang taong bunga lang ng kawalang hiyaan.
Marahas kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Kailangan kong magtiis na huwag umiyak sa school. Magtiis ka muna Inanna. Tiis lang.
Unti-unting nawawala ang ngiting nakaplaster na sa mukha ko.
Napakunot ako ng noo.
Bakit ganito ang mga estudyante? Hindi na sila ngumingiti tuwing nakikita ako. Ni hindi na rin nila ako binabati.
Anong nangyayari? Ang iba'y masama ang tingin sakin at ang iba naman ay nag-iiwas lang ng tingin.
May nagawa ba akong masama na hindi ko alam? Imposible. Nag-iingat ako sa bawat kilos ko.
Napalingon ako sa bulletin board na mukhang pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
Alam ko. Alam kong iyon ang makakasagot sa tanong na kanina pa umiikot sa isipan ko.
Nang makita ako ng mga estudyanteng nagkakagulo sa bulletin board, nagsialisan sila.
Napasimangot ako. Stressed na nga sa bahay, pati ba naman dito?
*sigh*
Hinarap ko na ang bulletin board at walang ibang reaksyon ang makikita sa mukha ko.
Kundi GULAT.
Sobrang nakakagulat talaga.
'The President Steals A Boyriend?'
Iyan ang title ng article na nakadikit dito sa bulletin board.
At nakikita ko ang picture namin ni Harry noong nasa rooftop kami habang yakap niya ako at iyong kumakain kami sa labas kung saan kakagaling lang namin sa puntod ni ate.
YOU ARE READING
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
Teen FictionPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?