Epilogue
Third Person's POV
Life is unfair. Masyadong balanse. Kung may nagsasaya, may nagdurusa. Kung may tumatawa, may umiiyak. Hindi pwedeng lahat masaya, lahat perpekto, dahil ika nga nila, walang thrill ang buhay kung walang pagsubok na haharapin.
Ang lahat ay nagluluksa. Lahat nga ba? O may mga taong nagdiriwang sa pagkawala niya?
"Anak... Patawarin mo ko. Anak ko... Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako kung hindi ko naipakita iyon sayo. Patawarin mo ako anak. Patawad. Mahal na mahal kita." sabi ni Athena at saka na siya humagulgol ng iyak.
Ang magkapatid na Zalvarosa, kasama ang kanilang daddy ay tahimik lamang sa gilid habang pinapanood ang ilaw ng kanilang tahanan.
They feel sorry too. Kahit walang luhang pumapatak mula sa kanilang mata, naguiguilty sila sa nagawa nilang pagtrato sa kaniya.
Ang lahat ay namumugto ang mga mata. Mga halatang nanggaling sa iyak. At kitang-kita rin sa mukha nila ang bakas ng pagsisi.
May isang taong kapansin-pansin talaga. Nakasuot ng sunglasses at pulang damit.
Biruin mo, ang lahat ay nakaitim at siya lamang ang naiiba. Hindi ba't kapansin-pansin talaga siya?
Ngumiti siya ng mapait.
'Hindi ako nagdiriwang Inanna. Nakikiramay ako sayo. Gusto ko lang ipakita na totoo akong tao at hindi ako magpapakaplastic na mag-iitim para damayan ka. Patawarin mo ko sa nagawa ko. Hindi ko alam na hahantong tayo sa ganito.' ang sabi niya sa kaniyang isip.
Tumayo na siya at nilisan ang lugar habang ang lahat ay nakatutok sa kaniya.
Napaluhod ang isang dalaga at humagulgol ng iyak. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang mga kasama.
"Kasalanan ko 'to. Patawarin mo ko Chian. Sorry. I'm really really sorry. Nagpadala ako sa emosyon ko. Hindi ako nagtiwala. Sorry talaga. Mahal kita Chian. Mahal kita bestfriend ko." umiiyak niyang sabi.
Isang tao naman ang nakatayo lang sa isang gilid kung saan hindi siya napapansin ng mga tao.
'Sorry.' ang tangi niya lang nasabi sa kaniyang isip.
Umihip ang malakas na hangin. Naalala niya ang sinabi nito.
"Babalikan kita ate. Pangako. Babalik ako rito at sasamahan kita."
Napangiti siya.
"Marunong ka talagang tumupad sa pangako Inanna." bulong niya sa hangin at saka na siya naglakad paalis.
Ang lahat ay nakakaramdam ng guilt. Puro 'sorry', 'patawad', 'pasensya', ang maririnig sa bibig nila.
Bakit?
Dahil sobra nilang nasaktan ang taong namayapa na.
Sino ba siya? Siya lang naman si Inanna Chian A. Zalvarosa. Isang mabuting anak, kaibigan, presidente at kaklase. Sa kabila ng ugali niya, ito ang kinahantungan niya; KAMATAYAN.
Life is unfair nga diba? Pero sa kaso ni Inanna, sobrang unfair sa kaniya.
"Nasa huli talaga ang pagsisisi Inanna. Patawarin mo na sila. Huwag kang magdadala ng sama ng loob sa langit."
Ngumiti ang kaniyang kausap at pinagmasdan ang mga tao sa sementeryo.
"Pinatawad ko na sila ate. Bago ko tapusin ang buhay ko, pinatawad ko na sila." may kumawala sa kaniyang mata na isang patak ng luha.
Pinunasan agad ito ng kaniyang ate.
"Tama 'yan Inanna. Sigurado akong tanggap ka sa itaas. Tatanggapin ka Niya. Halika na." hinawakan niya ang kamay ni Inanna.
Tumalikod na sila at nagsimulang maglakad paalis habang iniiwan ang kaniyang mga mahal sa buhay na nagluluksa sa pagkawala niya.
"Pagkatapos nito, sigurado akong puro pagmamahal na ang mararamdaman mo Inanna..."
- THE END -
"Everyone hates me. My family, my bestfriend, my classmates and even my whole schoolmates. They hate me a lot. Do I still need to live?" - Inanna
"When you're in pain, don't fight it. You'll just get exhausted. Remember what Shakespeare said? 'Feel the pain, until t hurts no more.'" (ctto)
YOU ARE READING
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
Teen FictionPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?