SHIZY's NOTE:
Sorry naman at nasa unahan ang note ko. HAHAHA. For this chapter, katulad lang ng last chapter, FLASHBACK po ang naka-ITALIC. Okay? Enjoy! *wink*
------
Pain #5
Inanna's POV
Nasa bahay ako ngayon. Mag-isa lang ako dahil umalis silang apat. Nalate na kasi ako ng gising kaya hindi ako nakasama sa kanila.
O baka naman, kahit magising ako ng maaga, hindi rin nila ako isasama </3
Dahil sa wala akong magawa, nilibot ko na lang ang buong bahay namin.
Huminto ako sa playroom namin dati noong mga bata pa kami.
Pumasok ako roon at pinagmasdan ang buong paligid.
"Ay baby! 'Wag mong isusubo 'yan! Dirty 'yan." inagaw niya ang laruang dapat ay isusubo ko.
"Mommyyyyyy!" pag-iyak ko dahil sa pang-aagaw niya ng laruan ko.
"Hala! Baby naman. Dirty kasi 'yun kaya kinuha ko. Halika nga rito." lumapit ako sa kaniya at niyakap niya ako.
Hinalikan niya ako sa noo.
"Alam mo Inanna, 'di naman kita inaaway e. Pinoprotektahan lang kita. 'Wag ka nang umiyak baby." sabi niya habang sinusuklay niya gamit ang kamay niya ang buhok ko.
'Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko habang inaalala ang mga pangyayari noon.
Umupo ako sa palagi kong inuupuan dati tuwing maglalaro kami rito. Maliit na ito sa akin pero sa tingin ko, kaya pa naman ako nito.
"Baby, gusto mo bang maglaro ng barbie?" umiling lang ako at inextend ang arms ko na para bang nagpapakarga sa kaniya.
Binuhat niya ako at hinalikan sa noo.
"Alam mo Inanna, natutuwa talaga ako at meron akong isang katulad mo." ngumiti siya at hinimas ang ulo ko.
Napakasaya ko rin dahil palagi kang andiyan sa tabi ko... dati.
Lumabas na ako ng playroom. Baka bumaha pa ng luha roon.
Nagpatuloy lang ako sa paglibot sa buong bahay.
Maykaya kami kaya medyo malaki ang bahay namin. 2 storey house. May 8 rooms sa 2nd floor at 3 rooms sa 1st floor.
Hindi ko namalayan na huminto na pala ako sa paglalakad at nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa tapat ng isang kwarto.
Ang opisina ni daddy.
Ni minsan hindi pa ako nakapasok dito dahil ipinagbabawal ni daddy.
Pinihit ko ang doorknob.
Hindi nakalock.
Papasok na sana ako sa loob nang magring ang landline sa baba.
*sigh*
Sinara ko na ulit ang silid at dali-daling bumaba.
Sinagot ko ang tawag.
[Inanna.]
"M-mommy. Bakit po kayo napatawag? Dapat po sa cellphone ko na lang po kayo tumawag."
[Wala akong phone number mo.]
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinipigilan kong maiyak lalo na't kausap ko si mommy.
"G-ganun po ba? A-ah. B-bakit po pala?"
أنت تقرأ
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
أدب المراهقينPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?