Pain #6
Inanna's POV
Maaga akong nagising para pumasok. Naplantsa ko naman na kagabi lahat ng uniforms nila kuya kaya wala na akong poproblemahin pa.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, bumaba na ako at pumunta sa kusina para magbreakfast.
Naabutan ko sila daddy na kumakain.
"Goodmorning po." bati ko sa kanila.
Tiningnan lang ako ni mommy. Si daddy naman ay nakatingin lang sa dyaryong hawak niya.
Tumayo si kuya Vishnu at kuya Bram.
"Aalis na kami mom."
Tumayo na rin si daddy.
"Ihahatid ko na kayo."
"Sige. Mag-iingat kayo." tumayo si mommy at hinalikan sa pisngi sila kuya at daddy.
Pagkatapos 'nun ay sabay-sabay na silang umalis.
Tumingin sa akin si mommy.
"Ligpitin mo 'to. Dapat hugas na ang mga 'yan bago ka umalis ng bahay." utos niya sa akin bago siya umakyat.
*sigh*
Iniligpit ko na ang mga pinagkainan nila at naglabas ng tinapay at palaman.
Magbebreakfast muna ako bago maghugas ng pinggan.
Nang matapos ako, naghugas na ako ng pinggan at saka umalis.
Pagdating ko sa school, habang suot-suot pa rin ang isang pekeng ngiti, nakasalubong ko si Shayne.
"Chiaaaan!" patakbo siyang lumapit sakin.
"Hello! Goodmorning Shayne." pagbati ko sa kaniya habang nakangiti nang malapad.
"Goodmorning din Chian! Buti hindi ka na late ngayon! Hahaha!"
"Loka ka. Maaga kasi akong natulog kagabi kaya maaga rin akong nagising."
Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong namin si Aliyah, Daisha at isa pa naming kaklaseng hindi ko maalala ang pangalan.
Ngumiti ako sa kanila. Nginitian din namana ko ni Daisha, pero si Aliyah ay sumimangot lang at 'yung isa pa nilang kasama ay abala sa pagtetext kaya hindi yata kami napansin.
"Goodmorning Miss President." nakangiting bati ni Daisha.
"Goodmorning din Daisha." nakangiting bati ko rin.
"Hi Daisha! Hi Aliyah! Hi Lea!" masiglang bati ni Shayne sa kanila.
Lea pala ang pangalan niya. Tama. Lea Rivera. Naalala ko na ang pangalan niya.
Napahinto siya sa pagtetext at napatingin sa amin.
Noong una ay nagulat pa siya ngunit ngumiti rin naman pagkatapos.
"Goodmorning Inanna. Hello Shayne!" sabi niya habang nakangiti.
"Hello Shayne!" balik pagbati naman ni Daisha.
Nakatingin lang samin si Aliyah habang nakasimangot.
Anong problema niya?
"Uhh we gotta go. Bye Shayne and Inanna!" sabi ni Daisha habang winewave ang kamay niya.
"Bye!" sabay naming sabi ni Shayne.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa room.
CZYTASZ
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
Dla nastolatkówPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?